Chapter Two
Malaking kaisipan iyon kay Samantha ang huling pag-uusap nila ni Jared.
"Isa ka ring katulad ko."
Para itong sirang plaka na paulit-ulit na lang sa kanyang pandinig.
Ako? Isang bampira? Napaka-IMPOSIBLE.
Hanggang sa makatulugan nya na lamang ang sinasabi ng bampirang lalaki.
Ng magising sya kinabukasan ay napagpasyahan nyang pumunta sa mall upang makapag-aliw.
Naghanda na sya sa kanyang mga gamit. Habang naglalakad sya sa mall ay may naramdaman syang may tila sumusunod sa kanya. Paglingon nya ay nakita nya ang isang lalaki na ang sama ng tingin sa kanya. At kung nakamamatay lang siguro ang tingin ay malamang, pinulot na sya sa morge at pinaglamayan.
Kinabahan din sya dahil kung makatingin ito sa kanya ay tila kakainin sya nito ng buhay. Unti-unti syang umatras at takbo-lakad ang kanyang ginawa upang di lang sya maabutan ng lalaking humahabol sa kanya.
Pero nabigo sya dahil may naramdaman syang may pumigil sa kanya at hinila sya papuntang exit ng di napapansin ng kung sino mang dumadaan sa dakong iyon.
Nanlalamig na sya at sa kauna-unahang pagkakataon ay hiniling nya na sana ay naroroon ang lalaking nagbabantay sa kanya. At laking pasasalamat nya nung may humablot sa kanya palayo sa lalaking ni hindi nya kakilala. At alam nya na sa sandaling hinablot sya nito ay ligtas na sya. Pero nung oras na nahablot sya ay kay bilis na ng pangyayari.
Nagsusuntukan na ang mga ito ng di napapansin ng kung sino mang dumaan. Hindi nya alam kung paano aawatin ang mga ito sa pagsusuntukan ngunit may kakaibang pwersa na humihila sa kanya upang awatin ang mga ito pero natatakot siyang awatin ang mga ito dahil baka sya ay masaktan. Pero matapos magtalo ng kanyang isip ay nakapagpasiya na sya.
Lumapit sya sa dalawang lalaki at binigyan nya ng tig-iisang suntok ang mga ito.
Nagulat sya dahil tumilapon ang dalawang lalaki. Tinignan nya ang kanyang mga kamay at di nya alam kung saan nanggagaling ang kanyang lakas.
Gulat na napatingin sa kanya ang dalawa dahil bigla syang sumawsaw sa laban ng mga ito. Pero di nya pinaligtas ang mga tingin ng mga ito. Tila ba inasahan na ng dalawang ito ang kanyang gagawin pero di nila alam na agad-agaran ang ginawa nya. Umiling sya. Di maaari. Di ako isang totoong bampira. Isa lamang tong masamang panaginip.
(A/N: Huhubels.... T_T Hansabaw..)
BINABASA MO ANG
The Immortal
VampireSi Samantha ay isang ordinaryong tao lang sa isang maliit na baryo. Araw-araw niyang napapanaginipan ang isang nakakatakot na imahe. Isang gabi ay nagising siya dahil binabangungot na naman siya. Pero may isang istranghero na pumasok sa bahay niya...