Chapter Ten
Nararamdaman niya na para na siyang isang hangin at tila may sumasabay na sa kanyang pag-atake. Nakita niya si Jared na sumasabay na sa kanya.
At nararamdaman niya na konting tiis na lang ay matatapos na ang labanang iyon. Pero di pa rin niya maiwasang magulat nung makita niya ang lalaking bampira na wala ng ulo at natumba sa kanyang paanan.
Sabay pa silang napaluhod ni Jared nung matapos ang labanan dahil sa sakit, pagod, at uhaw.
Humangin ng napakalakas at may naaamoy siyang kanais-nais na bango at iyon ay nanggaling sa lalaking katabi."Jared, umalis ka na, please!" nanghihinang sabi niya rito.
"Sam. Okay lang." tugon naman nito sa kanya at inilapit ang sariling leeg nito sa kanya.
Di na niya napigilan ang kanyang matinding pagka-uhaw kaya kinagat na niya ang leeg nito. Sinipsip niya ito.
Hmmmmmm! Ganito pala ang pakiramdam pag umiinom ng dugo.... Parang nasa langit, aniya sa isip.
Pero pilit niyang isiniksik sa kanyang isip na tigilan na niya ito dahil baka kamatayan na ng kanyang mahal ang maging kapalit sa kanyang matinding pagka-uhaw.
Tinigilan na niya ang kanyang pagsipsip sa dugo nito at tiningnan ang nakapikit na mukha nito.
"Jared?" tawag niya rito at tinapik-tapik ang pisngi nito.
Nagmulat ito ng mata at nakahinga siya ng maluwag...
Pinatayo niya ito kahit na nahihirapan siya.
Lumabas na silang dalawa ni Jared at sumakay na sa sasakyang nakahintay sa kanilang dalawa.
"Salamat, Jared." aniya rito.
"Walang anuman.... B-basta ikaw kasi m-m-mahal kita." tugon nito sa kanya na parang wala lang.
Nagulat siya sa sinabi nito. Tiningnan niya ito ng di makapaniwala. At nararamdaman niyang nababasa na ang kanyang pisngi dahil sa luhang tumutulo mula sa kanyang pisngi.
"T-talaga?" di makapaniwalang sabi niya rito.
"Yes. I don't care if you don't love me now pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon na patunayan na mahal talaga kita ng sobra-sobra. Kahit buhay ko na ang kapalit, makapiling ka lamang." buong pusong tugon nito sa kanya at tinitigan siya diretso sa kanyang mga mata.
Niyakap niya ito ng mahigpit at sinabi ang katagang;
"Di mo na kailangang maghintay kasi MAHAL DIN KITA." sabi niya rito at ipinagdiinan ang salitang *mahal din kita*.
Gumanti rin ito ng yakap sa kanya at sobraaaaang higpit na halos di na siya makahinga. Pero balewala lang iyon sa kanya dahil busy siya sa pagnamnam sa sarap ng yakap nito sa kanya.
(A/N: So. . . . This is the last chapter pero may epilogue pa naman. Done na ang story, pero yung book cover ko, di pa nagagawa. Hahaha!!! Sareh naman. Maraming thank you sa lahat ng nagbasa at nag-vote(feeling!!!) sa gawa ko. Thank you talaga...)
BINABASA MO ANG
The Immortal
VampirosSi Samantha ay isang ordinaryong tao lang sa isang maliit na baryo. Araw-araw niyang napapanaginipan ang isang nakakatakot na imahe. Isang gabi ay nagising siya dahil binabangungot na naman siya. Pero may isang istranghero na pumasok sa bahay niya...