Chapter Three

714 19 0
                                    

Chapter Three


 

"Samantha!!!" narinig nya ang pagsigaw ni Jared.

Umiling sya ng umiling rito at sabay takbo ngunit agad din syang naabutan nito sabay hila sa kanya payakap rito. Umiiyak na sya. Di alintana ang mga taong nanunuod sa kanila. Na tila ba sila ay nasa isang shooting ng pelikula.

"Jared, di to maaari. Isa lamang akong normal na tao." aniya.

"Tumahan ka na, Sam, malulutas mo rin ang problemang ito."

"Paano?"

"Basta magtiwala ka lang sa akin at tutulungan kita sa paglutas ng iyong suliranin."

"Mmmm-kay."

"At Sam, sumama ka sa akin."

"Huh?"

"Ang sabi ko, sumama ka sa akin at ng mabantayan kita ng mabuti sa gustong pumatay sayo na kami lang din naman ang may kasalanan. At kung aatake na ang pagiging bampira mo ay matuturuan din kitang makontrol ang pagka-uhaw mo sa dugo."

"Maraming salamat, Jared."

"Wag kang magpasalamat. Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin." anito.

Alam nya na di pa nya lubusang nakilala ang binata pero buo na ang kanyang tiwalang naibibigay rito. Bigla siyang natauhan ng bahagyang pisilin ng binata ang kanyang balikat. Doon lamang nya napansin kung gaano nakakailang ang kanilang posisyon at idagdag pa ang mga usisero't usiserang nananatiling nakapalibot sa kanila at pinapanuod sila. Mabilis pa sa alas cuatro ng lumayo sya rito.

Di nya na lamang pinansin ang mga taong nakapalibot sa kanila at tila walang nangyari nung kausapin nya ito pero ang totoo ay nais nya ng kainin sya ng buhay ng sementong kanyang kinatatayuan sa ngayon.

"Ahm, san ka ba nakatira or dapat ko bang sabihin na, SAN MO AKO DADALHIN?" aniya.

"Ah, dun na muna tayo mananatili sa bahay ko pagkatapos ay pupunta na tayo ng Alaska upang dun ka muna maglagi pansamantala."

"Mmm-kay."

"Pero bukas na dahil delikado ng bumiyahe papunta sa bahay ko ngayong gabi."

"Okay."

"Sige. Ihahatid na kita sa inyo."

"Sige."

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon