Chapter Six

525 19 0
                                    


Chapter Six

Alam nya, kahit na makipagkarera man sya sa kung sino mang humahabol sa kanila ay maaabutan pa rin silang dalawa. Kaya nung masilip nya na malayo pa ng konti ang humahabol sa kanila ay ipinarada nya ang kaniyang sasakyan sa daan at bumaba sya para daluhan si Samantha na namimilipit na sa sakit na kanyang nadarama. Maging sya din ay naguguluhan kung bakit di agad nawala o gumaling agad ang sugat ni Samantha. At naalala nya bigla. Na kung metal man o kahit na anong gamit na may halong pilak ay matagal talagang gumaling ito. Binuhat nya na lang ito at tumakbo na sila. Kahit na madilim sa may gubat dahil sa malalagong dahon ng puno ay malinaw parin siyang nakakita sa kaniyang dinadaanan kaya matulin parin ang kanyang pagtakbo.

"Hey, Sam! Mawawala din yan mamaya. Tiisin mo lang ng konti." bulong nya rito.

Tango lang ang naging tugon ni Samantha.

"Jared, may sumusunod sa atin."

"Alam ko."

Tumakbo lang ng tumakbo si Jared habang buhat nya si Samantha.

Di na alam ni Samantha kung nasaang lupalop na ng mundo sila naroroon dahil pasukal ng pasukal ang daang kanilang tinatahak.

"Jared, anong lugar na ba ito? Alam mo ba ang pasikot-sikot dito?" mahinang tanong nya rito na animoy maririnig sya ng mag taong? Or should i say, mga bampirang humahabol sa kanila.

"Malapit na tayo sa amin at oo, alam ko ang pasikot-sikot dito dahil dito ako kumukuha ng maiinom."

"Huh!? Ibig sabihin, dito mo dinadala ang mga taong nakukuha mo?" nahihintakutang saad nya rito. Pero narinig niyang tumawa ito.

"Hindi, dito ako humuhuli ng mga hayop na kinukunan ko ng dugo."

"Ah! Akala ko tao." natatawang sagot nya rito na may halong nerbiyos. Saglit niyang nalimutan kung ano ang ginagawa nila sa lugar na iyon dahil sa magaan nilang pagkukuwentuhan.

"Ah, Jared. Parang wala ng humahabol sa atin. Pwede mo na akong ibaba." nahihiya o mas tamang sabihin na naiilang na sabi nya rito. Di niya alam kung bakit siya naiilang sa binata.

"Mamaya na, Sam. Di pa tayo sigurado kung wala na talagang humahabol sa atin."

"Okay."

Mahigit isang oras ding tumatakbo si Jared. Hanggang sa makarating na sila sa kanilang destinasyon. Binaba na siya nito at pinapasok sya sa bahay. Iginala nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay.

"Jared, may first aid kit ka ba rito?" tanong nya rito. Sabay tingin sa kaniyang sugat na daplis lang ng baril. Pero nagulat sya ng pagtingin nya ay wala na ang kanyang sugat.

"Jared! Tingnan mo, dali? Nawawala yung sugat ko." manghang sabi nya rito.

Dali-dali naman itong tumakbo papunta sa kanya.

"Tingnan mo!" ulit nya rito sabay turo sa kanyang balikat. Ngunit sa nakita niyang reaksyon nito ay alam na nito na kusang maghihilom ang kanyang sugat.

(A/N: Heeeeeeeeeeeello mga katropa. [Kala close, eh, no?] Suportahan niyo po ito. Konting kembot na lang naman eh, tapos na ang storya ng dalawang bampirang to. Suportahan niyo rin yung isa ko pang gawa [todo promote . . Hehe.] na ONE MAGICAL NIGHT. VOTE NA KAYO. THANKS.)

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon