Chapter One

1.1K 20 0
                                        

Chapter One

Habol ni Samantha ang kanyang hininga ng sya ay magising. Isang nakakapangilabot na panaginip na naman pala iyon.

Bumaba sya sa kanyang kama at pumunta sya sa kusina para kumuha ng tubig upang maibsan ang kabang nadarama.

Ngunit sa di malamang kadahilanan ay biglang tumindig ang kanyang balahibo sa batok.

Nagpalinga-linga sya sa paligid at natuklasan niyang di lang pala sya nag-iisa sa bahay. May nakita syang isang bulto na nakatingin sa kanya. Kinabahan sya at naalala ang kaniyang panaginip at akala nya ay mangyayari iyon sa kanya ngunit pagbalik nya sa kinatatayuan ng lalaki ay wala na ito.

Nagpalinga-linga sya at nakita nya itong palabas ng kanyang bahay at sa di malamang dahilan ay biglang humakbang ang kaniyang paa at unti-unti nya na itong hinabol.

Hindi man lang sya natakot kahit na isa itong estranghero na pumasok sa kanyang bahay.

Hindi rin nya naisip na baka may balak itong patayin sya tulad ng sa kaniyang panaginip.

"Sandali!!! Sino ka?" sigaw nya sa estranghero.

Huminto ito at tinitigan sya. Bumaba sa inakyatan nito at lumapit sa kanya.

"Ako si Jared. Ang sugo ng pinuno namin upang bantayan ka." ana ng lalaking nagngangalang Jared, daw.

"Ha?! Bakit niyo ako kailangang bantayan?" aniya.

"Dahil may gustong pumatay sayo at ang kagrupo namin ang may sala."

Shock! Yun ang nakabalatay na nakita ni Jared sa mukha ng kaharap.

"P-p-pero, bakit? Di ko maintindihan."

"Dahil kamukha mo yung babaeng pumatay sa isa sa kauri nila at napagkamalan na ikaw yun." deretsang sabi nito.

Nahihintakutang napaatras si Samantha sabay iling pero hinawakan sya ni Jared sa siko at sinabi ang katagang kay hirap paniwalaan...

"Samantha, huminahon ka, di ka namin sasaktan. At may natuklasan kami sayo"

"Anong natuklasan nyo sa akin?"

"Isa ka ring katulad ko."

(A/N: Thank you sa pagbabasa mga ate/kuya. Sana, tangkilikin niyo pa ang isa ko pang gawa. One Magical Night, ang title.)

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon