Chapter Nine

491 16 0
                                    


Chapter Nine

Dinala si Samantha sa isang malaki ngunit madilim na lugar. Itinali siya sa isang poste nung dumukot sa kanya na wari niya'y isang bampira dahil sa mapulang mata nito na nakikita niya kahit madilim dahil kumikislap ito at nasisinagan na nagmula sa buwan.

"Sino ka? Bakit mo ako dinukot? Pakawalan mo'ko!" galit na galit na sigaw niya rito.

"Pakawalan mo'ko sabi, eh!" muling sigaw niya rito. Ngunit sa pagsigaw niya na yun ay yumanig ang gusali.

Nagulat siya. Pero pagtingin niya sa bampirang kasama ay nakita niya sa mukha nito na maging ito ay nagulat din...

Naalala niya na isa pala siyang bampira. Parang simula sa oras na nadukot siya ay natanggap na niya ang kanyang buong pagkatao..

Tiningnan niya ang lubid na nakatali sa kanya at nagulat talaga siya ng sobra ng maputol iyon nung tiningnan niya.

Humarap siya sa bampirang kaharap at nakita niya itong papasugod sa kanya. Hinanda na niya ang kanyang sarili dahil sa magaganap na labanan nilang dalawa.

Nagsagupaan sila na parang nasa isang ring sila ng kick boxing. Nagpapasalamat siya dahil nakapag-aral siya ng taekwondo nung nasa high school siya.

Nagpangbuno sila at nagpalitan ng suntok at sipa.

At kahit na alam niya sa kanyang sarili na maari siyang matalo dahil bukod sa ito'y lalaki at matagal na itong bampira at nabubuhay sa mundo ay pilit niyang iniwawaksi iyon sa kanyang isipan dahil bukod na siya ay matalo ay maaari pa siyang mamatay.

Halos bugbug sarado na siya nung mamataan niya si Jared na papalapit na sa kanilang dalawa.

Nakita niyang susugod na ito at nawala sa kanyang isip ang kanyang kaharap kaya tumilapon siya nung matamaan siya sa kanyang sikmura...

Nagpang-abot na ang dalawa at parang mga hangin lang ang mga ito dahil sa bilis ng kilos.

"Jared!!!!!!" sigaw niya rito ng paulit-ulit pero parang wala itong naririnig dahil patuloy pa rin itong lumalaban.

Parang slow motion ang pagtilapon ni Jared nung nakita niya ito.

"JARED!!!!!" sigaw niya...

Ng makita niya ang kalunos-lunos na itsura nito ay parang tinamaan siya ng kidlat. Adrenaline rush run her vein. Tumayo siya ulit at nilabanan ang kalaban...

Maraming beses pa siyang tumilapon pero pilit siyang bumabangon.

Nanghihina na siya pero sinunod-sunod niya ang pag-atake rito at tinamaan niya ito sa leeg, sa dibdib, at sa katawan nito... Paulit-ulit niya iyong ginawa..

(A/N: Konting kembot na lang to, tapos na. So, please, don't forget to vote ha? Kahit na wala ng comment, chooks to go na. Thanks.... )

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon