Prologue

1.3K 24 1
                                    

Prologue

Sa isang madilim na daan na ang tanging ilaw lamang ay ang liwanag ng buwan, naglalakad ang isang babae. Naramdaman nyang may tila sumusunod sa kanya. Bigla nya itong nilingon ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala naman syang taong nakita. Pagpihit nya upang maglakad ulit ay nabunggo sya sa isang matigas na bagay. Pagkatingala nya rito ay laking gulat nya na tao pala iyon at isang lalaki. Kinabahan sya dahil sila lamang ang tao roon at lalaki pa ang kanyang kasama. Humakbang sya paatras ngunit ilang dipa lamang ang layo nila sa isa't isa.

"Sino ka?" aniya.

Ngunit di man lang sumagot ang kaharap nya, sa halip ay biglang humaba ang mga pangil nito, naging matulis ang mga kuko at naging kulay abo ang mata ng lalaki na kani-kanina lang ay kulay asul. Kinabahan sya at di malaman kung ano ang gagawin- tatakbo ba sya, sumigaw, o manahimik na lang. Humakbang palapit sa kanya ang lalaki at itinaas na nito ang mahaba nitong kuko at unti-unting lumalapit ang bibig nito sa kanyang leeg.

"Huwag!!!" sigaw nya.

(A/N: Sana suportahan niyo po itong gawa ko. Maraming Thank You, po.)

Pa-greet ng birthday ngayon. . . .
HAPPY BIRTHDAY LOLA FELICISIMA. . . . .

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon