Chapter Eight

464 15 0
                                    


Chapter Eight


 

Pero may naramdaman siyang kakaiba. Na tila ba may nakatingin sa kanya. Nagpalinga-linga siya at may nakita siyang isang lalaki na ang sama ng pagkakatingin sa kanya. Nagmamadaling sumakay siya sa sasakyan pero di pa naman talaga siya naka-upo ay may malakas na hangin na dumaan sa harapan niya at sa isang kisap-mata lang ay nahablot na siya nito. Ni hindi man lang siya nakasigaw dahil tinakpan na nito ang kanyang bibig at nakaamoy siya ng di kanais-nais na amoy bago siya nawalan ng ulirat.

May kakaibang nararamdaman si Jared at naamoy.
Malangsa ang amoy. Sobrang baho...

Nagpalinga-linga siya at nakita niya si Samantha na kinakaladkad ng isang taong nakatalikod na may napapalibot na maitim na usok dito at mula sa taong yun o halimaw na yun ang masangsang na amoy...

Tinakbo niya ito pero parang may kakaibang puwersa na humihila sa kanya pabalik...

Sinigawan niya ang mga tauhang pinadala sa kanila upang sumundo sa kanilang dalawa....

"Habulin niyo sila!!!! Mga INUTIL!!!!" sigaw niya sa mga lalaki pero huli na ang lahat....

Nakalayo na ang mga ito na halos di na makita kung ikaw ay isang normal na tao lamang.

Tumaas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit...

Binalingan niya ang mga tauhang pinadala sa kanila na wala namang silbi dahil nawala na ang kanyang minamahal kahit sa maikling panahon lamang...

(A/N: Ang konti lang po nito. Pero choco lang, short story lang naman po ito. Malapit na ang katapusan. :) )

The ImmortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon