Chapter FiveNabalik lamang sa pangkasalukuyan ang kanyang pag-iisip ng may bumundol sa kanilang gilid. Paglingon nya ay nakita nyang nakikipag-gitgitan na talaga ito.
"Samantha! Kumapit ka!" narinig niyang sigaw ni Jared sa kanya.
Nahihuntakutang kumapit din naman sya sa kanyang kinau-upuan. Nang makalayo na sila ay inutusan sya agad ni Jared.
"Buksan mo ang pinto dyan." hindi nya ito pwedeng labagin at hindi ito pwedeng may pagpipilian pa sya kundi isa itong utos mula rito.
Pero nagdadalawang isip parin sya kung susundin nya ito o hindi. Nainip na yata ito sa bagal nyang kumilos at ito na lamang ang nagbukas ng pinto sa gilid nya habang nagmamaneho parin ng pagkabilis-bilis.
"Tumalon ka na pagkabilang ko hanggang tatlo!" anito.
"Jared, ayoko!"
"Isa,"
"Jared, natatakot ako."
"Wag kang matakot, Sam. You have to trust me." anito.
"Jar-"
"Trust me, okay? Walang mangyayaring masama sayo."
Biglang nagrigidon ang kanyang puso. Sa pamamaraan pa lamang ng pagkakatingin nito sa kanya ay napatango na sya nito. Ngunit kung gaano sya kabilis tumango ay ganun din naman kabilis ang mga humahabol sa kanila. Nag-concentrate na ulit si Jared sa kanyang pagmamaneho. Kung kanina ay pilit syang pinapatalon nito ay ngayon naman ay hindi na.
May narinig siyang pumutok at napa-ungol sya sa sakit na nadarama. Nakuha agad nya ang atensyon ni Jared at ng makita sya ay may nakita syang pag-aalala na dumaan sa mga magaganda nitong mga mata. Pero kaakibat ng pag-aalala ay ang galit. Di nya alam kung para saan iyong galit na nakita nya.Napa-ungol sya, tagos hanggang buto dahil sa sakit na dala ng tama ng baril.
"Samantha!"
(A/N: Alam ko na konti lang ang lahat ng mga UD ko pero sana suportahan niyo pa rin ang dalawa kong gawa dito. Yung isa ay " One Magical Night ". Alam ko na todo promote na tong ginagawa ko. Sareh naman po. Don't forget to vote and comment na rin po. Christmas gift niyo na lang po sa akin. Thank you. <3 )
BINABASA MO ANG
The Immortal
VampirSi Samantha ay isang ordinaryong tao lang sa isang maliit na baryo. Araw-araw niyang napapanaginipan ang isang nakakatakot na imahe. Isang gabi ay nagising siya dahil binabangungot na naman siya. Pero may isang istranghero na pumasok sa bahay niya...