PROLOGUE

4.7K 82 2
                                    


nag lalakad ako sa napaka liwanag na Lugar, Hindi ko ba alam kung san ako papa tungo, sa kadahilanan kahit sang sulok nitong daanan puro liwanag lang Ang iyong makikita, nakaka takot dahil ako lamang Ang mag isa sa Lugar na ito.

natatanaw ko sa dulo my butas na nag liliwanag, kaya nag Dali Dali akong nag lakad binilisan ko pa para ma abutan ko ang bilog na iyon dahil baka ito na ang dulo Ng aking nilalakaran.

lakad takbo Ang aking ginawa, kaya na isip ko nalamang na tumakbo ng napaka bilis sapagkat baka mawala nalamang ito na parang bula.

sa sobrang takot ay binilisan ko na ang aking pag takbo upang maabutan ito, mararating ko na Ang Hanggang.

sa pag lagpas ko, napa pikit na lamang ako dahil sa napaka lakas Ng liwanag, kinusot ko Ang aking mga mata upang Maka adjust sa liwanag, pag kurap kurap ko ng aking mga mata nagulat na lamang ako sa aking mga Nakita.

napaka ganda ng lugar na ito, parang Isa itong paraiso sa sobrang ganda, ang daming nag liliparang mga ibon, sobrang ganda nilang pag masdan dahil Ang kanilang mga kulay ay maintutulad mo sa kulay ng rainbow.

Ang ganda nilang pag masdan dahil sa bawat galaw ng kanilang pakpak ay nagkakaroon ng mga dust na kasing kulay ng kanila.

tumingin tingin ako sa paligid, naka kita ako ng mga bulaklak na napaka ganda na parang ba na dito mo lang Sila makikita sa lugar namin ay walang makikita na kasing Ganda nito.

lumapit ako sa mga bulaklak at inaamoy Amoy ko ito, nakakahanga dahil sobrang bango ng mga bulaklak, sarap Amoy amoyin ng mga ito.

" Labis ka nasayahan sa iyong mga nakikita " - nagulat ako dahil ang akala ko lamang na ako lang Ang mag isa na andito my tao pa pala.

tinignan ko ang nag salita, nagulat na lamang ako dahil napaka gwapo ng aking nakikita sobrang tangkad, malaki ang kanyang katawan at makinis ang kanyang mga balat at singkit ng mga mata na kulay ocean blue.

" Pasensya na sa aking pag parito sa iyong Lugar, sa kadahilanan dinala lamang ako ng liwanag sa iyong Lugar " - bangit ko sa kanya,

" Hindi mo kailangan huminge ng tawag sa iyong pagparito dahil ako ang my dahilan kaya ka andito sa aking munting paraiso" - ngiti nitong sabi sa akin, ngunit hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinabi.

" Alam kong Ikaw ay naguguluhan ngunit isantabi mo muna ang iyong mga Agam Agam, kaya ka naparito dahil my mahalaga akong sasabhin Sayo " - seryoso nitong sabi kaya tumahimik na lamang ako at antayin ang kanyang gustong ipabatid sa akin

" sa tamang panahon ay makakabalik ka sa iyong sariling mundo, at aayusin ang balance ng iyong mundo, at dahil Ikaw ang napili ng life core at Ikaw rin ay huling mag mamana nito dahil sayo na tumigil ang bloodline " - naguguluhan ako sa kanyang mga binangit ngunit nakinig na lamang ako sa kanya.

" hanggang dito na lamang, sa tamang panahon mo malalaman ang iyong mga katanungan Hanggang sa muli nating pagkikita " - ngiti nito

bigla na lamang ako napa pikit dahil sa sobrang liwanag, at dito na lamang ako nagicing sa aking pagka tulog.

" Panaginip lang pala " - kausap ko sa aking sarili ngunit parang ito ay totoo.

The Last Bloodline Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon