"OKAY LANG"

13 0 0
                                    

Sanay na sanay na ako,
Sanay na kulang nalang isipin kong pinagtatabuyan mo ako,
Kaya sana wag mo ng alalahanin pa,
Itong nararamdaman ko,
Sanay na akong maging tanga mapakita lang sayo na mahal kita, pero bakit ganun? Kahit sobrang sakit pinipilit ko pa?
Bakit kahit sobrang kirot na ang nadarama pinipilit ko pa?
Hanggang ngayon di ko parin maintindihan, di ko parin maintindihan kung bakit mas pinili kung ipagpatuloy pa to. Ipagpatuloy itong pagpapanggap ko. Pagpapanggap na OKAY lang ako,
Sa likod ng mga ngiti ko may hapdi.
Sa likod ng tawa ko na kay sarap sa tenga may hikbing namumuo,
At ito na naman ang nagpapatakang luha, na tila nag hahabulan sa tuwa. Tuwang makita kang masaya sa panunuyo sa kanya habang ako nasa tabi nya. Masakit, sobrang sakit.
Pero masaya ako, masaya ako para sayo, pero bakit hindi ito matanggap ng puso ko? Na kahit sabihin ko ng tama na pero ako 'tong si tanga lumalaban pa. Lumalaban?
Tama ba narinig ko?
Lumalaban?
Lumalaban ako ng walang TAYO?
Isang HAHAHA para sayo.
Pilit akong nagpapapansin sayo pero hindi mo man lang siguro ramdam ito. Pilit kong pinapakita sayo na ginugusto at minamahal ko na ang isang tulad mo. Pero bakit gan'to?
Bakit ganito pa ang isinusukli mo?
Alam kong walang tayo pero sana wag naman sa harap ko.
Kase kahit walang TAYO nasasaktan pa din naman ako.
Di ko minsan mapigilang isipin na SANA "dumating ang araw ako naman minamahal mo habang ako unti unting lumalayo sayo". Para naman maramdaman mo kung paano ipagtabuyan ang nararamdaman mo. Masaya ka ba?
Masaya ka bang nakikita akong nagkakaganito para sayo?
Kase ako sobrang saya,
Masaya ako kase ngayon nailalabas ko ito,
At mas magiging masaya ako pagdating ng panahon na wala na 'itong katangahang nararamdaman ko para sayo.

SP💖❤️Where stories live. Discover now