Paulit-ulit na papakinggan,
Ang mga usapan nating nagdaan,
Baka sakaling mabawasan man lang,
Ang lahat ng sakit na nararamdaman.Nakakabinging katahimikan,
Ang bumabalot aa aking isiipan.
Nakakalunkot lang isipin na lahat nag iiba,
At nakakalungkot lang tanggapin kung bakit lahat kailangang mawala.Masaya akong pinalaya na kita,
Sa puso't isip kong ngayong nagkakaisa na,
Mas magaan na din ang loob ko ngayon,
Dahil alam kong hindi na kita magugulo.Pakiusap na 'wag mo na akong intindihin,
Dahil sa isip ko'y ika'y handa ng palayain,
Mas makakabuti talaga 'to para sa akin,
Lalo na't ika'y hindi naman kayang angkinin.Sana ay hindi na kita aantayin,
Sa muling pagkikita nati'y wag mo ng batiin,
Dahil alam kong mabilis rin 'tong matatapos,
Ang aking pag-ibig at kwento sayo na tila ba'y kapos.
YOU ARE READING
SP💖❤️
PoetryGusto ko lang isulat yung mga naiisip ko and kung ano mang nararamdaman ko, kung hindi kayo interested feel free to skip this. I love you haters 😘