Isang larawan mong nakangiti,
Nakangiti sa kasiyahang di maikubli,
Di maikubli, ito ang larawan mong nais kong lagi ay maalala,
Nangungulila, ngunit hindi nagsisisi na pinalaya ka,
Gusto kong makitang maging masaya ka,
Ngunit mas pinili kong mula sa malayo na lang ay tanawin ka,
Patawad kung pinili kong iwan ka sa halip na samahan ka sa hirap at ginhawa,
Hindi dahil sa hindi na ako masaya,
Kundi dahil takot na akong baka lahat ay kathang isip ko na lang pala,
Dahil takot na 'kong masaktan pa,
Takot na 'kong madapa,
Takot na 'kong paulit-ulit na mahalin ka,
At paulit-ulit na maalala ang masasakit na alaala,
Kaya palayain mo na rin ako sana,
Palayain mo na ako sa lahat ng sakit,
Palayain mo ako ng tunay, ayaw ko ng mapiit,
Tulungan mo akong lumimot,
Tulungan mo 'kong sa alaala mo'y di na sumimangot,
Para kung saan man ako umabot,
Puso'y payapa ng papalaot.
YOU ARE READING
SP💖❤️
PoetryGusto ko lang isulat yung mga naiisip ko and kung ano mang nararamdaman ko, kung hindi kayo interested feel free to skip this. I love you haters 😘