"Lucky 7"

1 0 0
                                    

Minahal kita sa paraang alam ko,
Tumino ako hindi dahil sinabi mo,
Ginawa ko yun dahil deserve mo,
Gusto ko kasi na mayroong "iKAW" sa buhay ko.

Lahat ginawa ko para sayo,
Kulang nalang ipagsigawan ko sa mundo,
Ganon ako ka-proud sayo,
Pero hindi pwede kasi "mali daw tayo".

Willing akong i-give up ito relasyong 'to,
Wag ka lang pahintuin ng pamilya mo,
Sinabi ko naman sayo, lahat gagawin ko,
Grumaduate lang yung taong mahal ko.

LDR? Hindi madali yun,
From Luzon to Visayas babyahe ako,
Kahit 2 days pa, kaya ko.
Isang araw lang na makasama ka, okay na 'ko.

Minsan parang gusto ko ng sumuko,
Gusto kitang mayakap pero malabo,
Minsan naluluha na lang ako,
Pero alam kong dapat kayanin ko.

Ikaw yung klase ng taong ang sarap mahalln,
Kaya naman bibigyan ko ng diin,
SAYO LANG AKO KIKILIGIN!
HABANG BUHAY IKAW ANG IIBIGIN!

May tanong lang sana 'ko,
Bakit parang hindi buo ang tiwala mo?
Ni-isang beses ba kita'y niloko?
Nakakapagod na kasing magpaliwanag sayo.

Alam kong mahal mo 'ko,
Takot ka lang na mawala ako,
Hindi naman mangyayari yang kinakatakot mo,
Kasi sa simula't simala pa lang sayong sayo ako.

Sinabi ko sayo hindi na ako susuko,
Ayokong magkaroon ng dahilan para lumayo,
May mga panahon lang na parang sawa na 'ko,
Kasi kahit wala akong ginagawa parang kasalanan ko.

Beyb, mag'iisang taon na tayo oh,
Ngayon pa ba kita isusuko?
Hawakan mo lang ako,
PANGAKO, IKAW LANG ANG MAHAL AT MAMAHALIN KO.
💕

SP💖❤️Where stories live. Discover now