"Dapat ko bang Pagsisihan?"

3 0 0
                                    

Dapat ko bang pagsisihan ang araw na'to?
Dapat ko bang pagsisihang umamin pa ako?
Dapat ko bang sisihin ang sarili ko?
Dapat ko bang sisihin ang puso ko, kung bakit ginugusto kita bawat sigundo?
Sinubukan ko naman pigilan ito,
Pero anu pa bang magagawa ko?
Ikaw ang gusto kong makita sa tuwing papasok ako,
Ikaw lagi ang hinahanap-hanap ng mata ko,
Sa tuwing mag-oonline na't, message mo ang sinusubaybayan ko,
Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magchat sayo,
Dahil umaasa akong kusa kang magcha-Chat para kamustahin naman ako,
Pero wala akong chat naa nadatnan sayo,
Ilang oras na akong naghihintay sayo, Kaya...
Kamay ko nalang mismo ang nagkukusang mai'type lang ang "WOI" ..! sayo,
Nakaramdam ako bigla ng tuwa nung i'seen mo'to bigla,
Dahil alam kong dito na ang simula,
Galak at tuwa ang nadarama sa tuwing kausap kana,
Mas kinikilig, mas napapangiti ako kapag wala pang isang minuto,
may reply na agad galing sayo,
Pero bakit ito ang aking nadarama?
Pinipilit kong huwag bigyan ng malisya,
Dahil alam kong ako na naman ang aasa,
Bakit ko ginugusto ang kaibigang, KAIBIGAN lang talaga?
Bakit ko pa nagagawang gustuhin ang isang tulad mong, alam kong may gusto ring iba?
At heto na naman ako,
Pinapaasa na naman ang sarili kong baka sakaling magustuhan mo,
Kailan ba matitigil 'tong kahibangan ko?
Oo, alam ko, alam kong hindi kailanman mangyayari 'yun,
Lalo na't wala akong puwang sa mundong kinagagalawan mo.

SP💖❤️Where stories live. Discover now