"Bakit Ako Nagbago? Simple Lang Dahil Din Sa Inyo!"

3 0 0
                                    

Kaibigan,
Sila yung dahilan ng pag'tawa mo,
Sila din yung dahilan ng pagkabadtrip mo,
Masaya magkaroon ng kaibigan,
Lalo na pag nagkakasundo sa lahat ng mga kalokohang naeembento,
Mga kalokohang kayang sakyan,
Kalokohang nagpapagaan ng mga sakit na dinaramdam,
Mga problemang di matatago sa kanila,
Lalo na kung sanay silang nakikita kang laging masaya,
Tiyak wala kang ligtas kundi mapapakwento nalang,
Sa tagal ng pagsasama nyo,
Nasasanay kana din,
Nasasanay na nandyan sila,
Nandyan sa t'wing may problema,
Nandyan sa t'wing meron kang kailangan,
Nandyan sa t'wing gusto mong may masandalan,
Kaibigang masasandalan,
Minsan sila din yung dahilan,
Dahilan ng pagkatuto,
Matutong mag-isa,
Mag-isa, dahil 'di naman sa lahat ng oras kasama mo sila,
Mag-isa, dahil 'di sa lahat ng pagkakataon na mahalaga nandun ang presensya nila,
Matutong umunawa,
Umunawang hindi ikaw ang first priority nila,
Umunawang hindi sa lahat ng bagay at pagkakataon masasandalan mo sila,
Dahil kung sa pelikula ang role mo ay isa kalang EXTRA,
Na kahit anung oras pwede kang mabaliwala,
Extra'ng paminsan minsan lang nakikita ang halaga minsan nga hindi pa,
Matututo ka nalang talaga,
Dahil ikaw lang din ang umaasa,
Umaasang sana minsan may tao rin kaya?
May tao rin kayang nakikita ang tunay kong halaga?

SP💖❤️Where stories live. Discover now