"Insperasyon"

1 0 0
                                    

Minsan sa buhay natin may dumadating na hindi naman natin inaasahan,
May dumadating na di naman natin akalaing mamahalin natin ng totoo,
Mamahalin ng higit pa sa inaasahan nilang magmamahal sa kanila,
Pero minsan may pagkadaya din si tadhana,
Yung akala mo sya na,
Yung akala mo hanggang dulo kayo na,
Kasi alam mo yung parang ang perfect na ng relasyon nyo,
Oo minsan nag aaway kayo pero naayos naman kaagad,
Akala mo perfect na yun,
Akala mo okay na okay na yung relationship nyo pero hndi pala,
Sabi nga nila...
"May mga pinagtagpo pero hindi itinadhana"
Daya no? pwede naman kasing kayo nalang hanggang dulo diba?
Para wala ng sakit,
Wala ng masasaktan,
Para masaya nalang lagi,
Para wala ng luhang papatak ng dahil sa sakit,
Pero hindi matatawag ang buhay na totoong buhay kung walang sakit,
Kailangan mong masaktan para mas lalong tumatag,
Kailangan mong masaktan para matuto,
Kailangan mong masaktan para matagpuan mo ang totoong taong nilaan para sayo,
Kailangan mong masaktan para sumaya,
Kakambal ng saya ang sa sakit, ang pait,
In the end masasabi mo din na...
"Sa lahat ng sakit na napagdaanan ko...napatunayan kong nakayanan ko,
Kase lagi kang nandiyan sa tabi ko,
At naniniwala kang kaya ko,
Kaya salamat at dumating ka sa buhay ko.

SP💖❤️Where stories live. Discover now