Piniit kong di lumingon, habang papalayo sayo.
Pinilit kong di ka hawakan, dahil sa takot na baka di na kita bitawan.
Pinilit kong pakalmahin ang mga luhang naghahabulan dahil sa ilang milya na naman ang magiging agwat nating dal'wa.
Pinilit kong di ka kausapin dahil alam kong ito'y lagi ko ng hahanap-hanapin.
Kalaban na naman natin si DISTANSYA.
Kung san di ko alam kong makakaya kaya?
Pero isang kataga ang ginagawang sandata.
Yung ay dahil mahal natin ang isa't isa.
Ilang tampuhan na naman ang haharapin, kasabay ang mga problemang kaya pa kayang lutasin?
Dahil nga sa malayo ang agwat natin.
Pero isa lang ang hinihiling ko, na sana'y sa muling pagkikita tayo'y nanatiling matatag at totoo.
Mamimiss kita mahal ko. Sana sa muling pagkikita nati'y buo parin ang sabay nating binuong IKAW at AKO.
At TAYO hanggang sa dulo.
YOU ARE READING
SP💖❤️
PoetryGusto ko lang isulat yung mga naiisip ko and kung ano mang nararamdaman ko, kung hindi kayo interested feel free to skip this. I love you haters 😘