Pagod na ako,
Pag sinabi kong pagod na ako hindi ibig sabihin nun pagod na akong mahalin ka,
Hindi naman napapagod ang puso diba?
Kaya nga siguro wala na sa'king natira,
Hindi ko namalayang inubos ko na pala lahat sayo,
Kaya heto ako ngayon,
Di alam kung sa'n sisimulan,
Dahil sa totoo lang ayaw ko na ulit simulan,
Pero napapagod din pala ang puso ko,
Lalo na't wala ka namang pakialam sa nararamdaman ko,
Sabi mo nga " masasayang lang lahat ng gagawin ko pagdating sayo",
Sana naman nung una palang sinabi mo na,
Para naman ngayon di na ganun kahirap ang kalimutan ka,
Bakit kase wala akong itinira?
Bakit kase ginusto't minahal ko ang tulad mong wala namang pake sa'king sakit na nadarama sa tuwing umiiwas at lumalayo ka,
Nakakapagod na din,
Nakakapagod na ding masaktan,
Nakakapagod na ding ipagsiksikan ang sarili ko,
Na alam kong wala naman akong halaga sayo.
YOU ARE READING
SP💖❤️
ŞiirGusto ko lang isulat yung mga naiisip ko and kung ano mang nararamdaman ko, kung hindi kayo interested feel free to skip this. I love you haters 😘