Dapit hapon na,
Sa gilid ng kalsada nakatambay habang pinapaanood ang bawat motorsiklong dumadaan,
Iniisip kung kelan kaya kita makikita?
Magaling ang aking isipan pagdating sa imahinasyon,
Kaya sa mga oras na yun,
Iniisip kung ano ang iyong magiging reaksyon pag ako'y iyong makita,
Sa totooo kase hindi ko pinaalam sayo ang pag-uwi ko,
Gusto kong masorpresa ka sa pagdating ko,Mag aalas 5 na nun,
Tinatanaw ang bawat motorsiklong dumadaan,
At nung biglang may kung anong kaba ang aking naramdaman,
At yun na nga, yun pala ang dahilan kung bakit bigla akong kinabahan,
Parang huminto ang mundo ko ng tuluyan na kitang nakita,
May kung anong kuryente akong naramdaman nung ngumiti ka,
Kitang-kita ko ang saya sa iyong mga mata,
Sa sobrang saya napayuko't napatalikod nalang sayo bigla,
Dahil hindi ko naman inaasahan na tayo'y magkikita,
Di ko maipaliwanang ang nadarama dahil sa sayang...
"Sa wakas nakita narin kita, kanina nasa isip lang kita pero ngayon nasa harapan na kita"
Gusto kong pahintuin ang tricycle na iyong sinasakyan,
Dahil sa gusto kitang mahagkan at magkausap man lang,
Pero tila'y buong paligid ay bumagal,
At hindi ko na nagawang pigilan ka,
Nanghina ang katawan ko habang papalayo kana,
Iniisip kung kalian ka kaya ulit makikita.Ganap na alas 6 na,
Nung naisipan naming magpipinsan ang gumala,
Habang sakay-sakay sa bisekleta,
Ika'y muling nakita,
Ewan ko ba kung bakit ako sayo'y napapatulala,
Siguro nga'y hindi padin ako makapaniwala,
Na sa wakas ay nagkita na,
Pilit na inaabante ang bisekleta habang nakatitig sayong mukha,
Nakakatuwa man isipin na sa unang beses ay nakita kitang tumawa,
Dahil sa pagkakataob ng sinasakyan naming bisekleta,
Kase kung tutuusin overloaded naman talaga,
May sakit akong iniinda pagkatapos kong madesgrasya,
Pero tila nawawala pag naiisip ko na naman ang iyong pagtawa,
May kilig akong nararamdaman pag binabalik ko ito sa aking isipinan,
Ewan ko ba, nung una nating pagkikita,
Dun ko napagtanto at naisip na mahal pala talaga kita,
At gusto kong tumagal tayong dalawa,
Hindi, hindi lang tumagal,
Gusto ko panghabangbuhay na,
Mahal na mahal kita at ayokong mawala ka.
YOU ARE READING
SP💖❤️
PoesíaGusto ko lang isulat yung mga naiisip ko and kung ano mang nararamdaman ko, kung hindi kayo interested feel free to skip this. I love you haters 😘