"Hanggang Kailan?"

2 0 0
                                    

Hanggang kailan ako masasaktan sa t'wing di mo'ko magawang ipaglaban?!
Kase sa totoo lang, pagod na ako,
Pagod, kase parang ako nalang ang gumagawa ng paraan para ang relasyong to'y tumagal,
Sarili ko nga'y di ko na magawang maintindihan,
Kung bakit mas pinipili ko ang masaktan,
Masaktan sa t'wing dadaan ka na sa'king harapan,
At ako'y parang hangin lang,
Hangin lang na ramdam mo naman pero wala kang pakialam.
Hanggang kailan,
Hanggang kailan mo'ko ipapakilala?
Ipapakilalang kasintahan at hindi bilang isang kaibigan.
Hanggang kailan?
Hanggang kailan magtatago?
Para tayong kriminal sa t'wing nagkikita,
Yung tipong daig pa natin ang mga nagkasala.
Gaano ba kahirap?
Gaano ba kahirap ang sabihin sa lahat-lahat.
Kase, sa totoo lang yun lang naman nais kong gawin mo,
Yung ipagmalaki dahil sa tunay na ako.
Tunay na ako na minahal mo.
Laro lang ba ito sayo?
Ang pa-ibigin ako't pagnahulog na sayo..
Iiwan mo nalang basta-basta na parang "walang tayo?"
Hinahanap mo lang ang presence ko pag kailangan mo 'ko't walang kang makausap,
Tao din naman ako,
Tao ako at kailangan din ng pagmamahal gaya ng pagmamahal ko sayo.
Hanggang kailan?

SP💖❤️Where stories live. Discover now