"Tanging Hiling"

3 0 0
                                    

Tanging hiling ko lang naman,
Na ngayong pasko eh yung makumpleto naman tayo,
Kahit na napakaimposible ng mangyari,
Pero kung sana lang naman,
Kahit saglit lang ay maaari pagbigyan,
Pagnigyang mabuo muli,
Ang akala kong hanggang sa huli,
Ang matibay na inyong pundasyon,
Pero nagpatibag kayo,
Nagpatibag sa mga taong pwedeng makasira sa inyo,
Pero bakit hinayaan nyo?
Bakit hinayaang masira nalang ang lahat,
Lahat ng paghihirap na inyong hinarap,
Pinaghirapang mabuo para maging matibay ito,
Pero nagpatalo kayo,
Nagpatalo kayo kaya ako ang mas nasasaktan ng todo,
Ako yung nasasaktan ng todo sa tuwing sasapit ang pasko,
Sasapit ang paskong di na tayo kompleto,
Yung dating magkakasama pa tayo,
Yung sasapit ang paskong masaya tayong nagsasalo-salo,
At yung sasapit ang bagong taon,
At sabay sabay kaming pinapatalon,
Pero ang dating masaya at buong pamilya,
Mananatili nalang sa'king mga alaala.

SP💖❤️Where stories live. Discover now