8 - Warned

170 8 0
                                    

"Maybe I was destined to forever fall in love with people I couldn't have..."


["Nakasakay na ako sa bus, Ate. Kapag pauwi na kami mamaya, tatawag uli ako sa 'yo. Diyan na ako dederecho sa ospital, tutal naman, rest day kami bukas."]

"Alexandra, mag-behave ka diyan, ha. Huwag maharot!" bilin ko pa.

["Hala! Lagi naman akong behave, ah."]

"Oo na. Sige. Anong ibinaon mo? Hindi na kita naipagluto," malungkot na sabi ko.

Nakaka-frustrate na hindi ko naasikaso ang kapatid ko ngayon.

["Don't worry, Ate. Dinalhan ako ni Kuya Perry ng baon ko. Mukhang masarap, eh! Siya yata ang nagluto. Saka mga imported na chips!"]

Bakas ko sa boses ni Alex ang tuwa.

"Hay naku, Alexandra..."

["Sorry na, Ate... eto naman. Ngayon lang naman ako makakatikim ng mga ganitong imported. Pagbigyan mo na ako. Sige na. Paalis na 'tong bus, Ate. Ikumusta mo ako kay Kuya Lucas, ha....babay!"]

Pinatay ko na ang tawag ko kay Alex. Ngayong araw ang field trip niya. Hindi ko na pinayagang sumama sa kanya si Perry. Pakiramdam ko masyado na kaming abusadong magkakapatid sa kanya. Pero hinayaan ko na lang si Perry na pabaunan si Alex.

At saka, alam ko namang hindi gagawa ng hindi maganda si Alex sa field trip nila. Talagang hilig lang talaga ng batang 'yun ang mga historical na mga bagay at mga lugar, kaya pinagbigyan ko na.


ALAS KUWATRO na ng hapon. Siguro naman sa oras na ito ay pabalik na sila Alex galing ng educational tour. Kung bakit ba kasi nakahiligan pa ni Alex sa sumali sa club na 'yun. Kung saan-saang historical places ang pinupuntahan ng club nila.

Inabangan ko na ang text o tawag ni Alex. Paniguradong anumang oras ay tatawag na 'yun. Pero nagdaan na ang dalawang oras ay wala pa rin akong natatanggap na tawag o ni text man lang.

Napaisip tuloy ako. Na-low batt kaya 'yung cellphone ni Alex?

Nang biglang may kumatok sa pintuan. Bigla akong kumalma. Si Alex na siguro 'to!

Pero bigla nitong iniluwa si Perry.

"Perry!"

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Lucas. Agad akong tumayo para salubungin siya. Pero nakakapagtaka ang seryoso niyang mukha. Hinila niya ako sa labas ng kuwarto ni Lucas.

"Bakit?" tanong niya sa akin na tila naalarma.

Ramdam ko na pinagtitinginan kami ng mga nurse sa kalapit na Nurse Station, pero binalewala ko lang ito. Oo nga pala, 'yung anak ng may-ari nitong hospital ang kaharap ko ngayon.

"Ano'ng bakit?" balik-tanong ko kay Perry.

"Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?"

Malalim akong huminga.

"Pasensiya ka na. Nag-aalala kasi ako kay Alex. Wala pa siya. Wala ring tawag o text."

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon