7 - Ang Pagkikitang Muli

178 10 0
                                    

"I believe we secretly love each other. It's the connection I can't explain...."


"Bakit ako? Ni hindi ko nga kilala 'yung captain na sinasabi mo!"

"Dahil nga kasintahan ka niya."

"Ano? Aling tour guide, slash time traveller.. alam mo... hindi ka na nakakatuwa."

Nababaliw na ba itong babaeng 'to? Binasted ko nga si Perry, tapos sasabihin niya na boyfriend ko 'yung lalaking tumatawag sa akin na Rosanna?

"Matino ang isip ko. Hindi ako nababaliw."

Napahawak ako sa bibig ko. Nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isip ang babaeng kaharap ko.

"Tama! Kaya huwag kung anu-anong masama ang iniisip mo laban sa akin!" may konting pagtataray na sabi niya.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano bang laban ko sa isang ito?

"Saka, ano bang sabi ko? Kasintahan, hindi ba? Hindi boyfriend. Hindi jowa. Ibig lang sabihin, boyfriend mo si Shawn nung unang panahon," paliwanag niya pa sa akin.

Marahas akong nagbuga ng hangin.

"Pwede ba? Pakiusap ko na lang sa 'yo. Ibalik mo na lang ako sa hospital. Ayoko na dito. Hindi ko kilala yung Shawn na sinasabi mo. Ibalik mo na ako sa kapatid ko. Kailangan ako ng kapatid ko. Baka mamaya, hinahanap na ako nun ngayon."

Matiim niya akong tiningnan. Medyo kinabahan naman ako sa klase ng tingin niya sa akin.

"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit nangyari 'yun sa kapatid mo?" kalmadong sabi niya.

"Ako? Bakit ako? Anong kinalaman ko dun?" takang-tanong ko.

"I mean. ikaw, bilang si Rosanna, HIndi bilang si Roxanne."

Kung kanina ay kalmado pa ako, pero ngayon ay naiinis na ako sa kausap ko, base sa sinabi niya.

"Eh, ni hindi ko nga kilala 'yung Rosanna na 'yun! Paano siyang naging ako?"

"Ayoko mang sabihin sa 'yo ito, pero ikaw din ang dahilan kung bakit namatay ang Nanay mo, at kung bakit kayo iniwan ng Tatay mo," kalmado pa ring sabi ni Aling time traveller.

Pero ako yata ang hindi na kalmado.

"Wala namang ganyanan! Huwag namang isisi sa akin ang lahat! Baka naman pati 'yung alaga kong aso dati na napeste, sa akin pa rin isisisi?"

Pero ngiti at tango lang ang isinagot ni Aling Tour Guide na time traveller. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig bang sabihin nun ay oo?

"Ako nga ang may kasalanan nun?" Itinuro ko pa ang sarili ko, para makasigurado ako.

Tumango lang uli siya.

"Kalokohan! Paanong ako?" takang-tanong ko uli.

"Dahil malaki ang galit niya sa 'yo. Isinumpa ka niya. I mean si Rosanna. Pero kasama ka at ang pamilya mo, dahil ikaw ang ika-apat na henerasyon ni Rosanna," paliwanag niya.

Kumurap-kurap ang mga mata ko. Ano raw? Napakunot-noo uli ako. Parang naging slow yata ang utak ko. Hindi ko maintindihan nang sinabi niya.

"Wait. Sinasabi mo bang galit sa akin iyong Shawn? Akala ko ba kasintahan ko siya?" ipinilig ko ang ulo ko, "hindi ako. I mean ni Rosanna. So, bakit siya magagalit sa akin?"

"Dahil sa ginawa ni Amado. Pinaniwala niya si Shawn na hindi siya kailanman minahal ni Rosanna. Na pinaglaruan lang siya nito."

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon