10 - Nangyari Na

179 11 2
                                    

"Maybe I was destined to forever fall in love with people I couldn't have. Maybe there's a whole assortment of impossible people waiting me to find them...."



Nagmamadali akong bumaba ng jeep. Mabuti na lang at papunta sa bahay namin si Perry kaya sa S.A.N

Hospital ito nadala. Kahit papaano ay panatag ako dahil pag-aari ng pamilya nila iyong hospital na pinagdalhan sa kanya. Paniguradong hindi siya pababayaan ng pamilya niya doon.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko papunta sa elevator. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga nurse na dinaanan ko. Ang importante ay makita ko si Perry.

Paglabas ko ng elevator ay agad kong nakita si Phoemela na nakaupo sa tapat ng O.R. Wala na itong suot na puting coat. Naka-casual na suot lang ito. Simpleng t-shirt at maong jeans.

Isipin ko pa lang na nasa loob ng Operating Room si Perry ngayon ay abot-abot na ang kabang nararamdaman ko.

Mabilis akong naglakad palapit kay Phoemela sa kabila ng kabang nararamdaman ko. Ilang dipa na lang ang layo ko nang may biglang tumayong babae sa tabi ni Phoemela. Biglang bumagal ang paglalakad ko, habang tinatantiya ko kung tama bang ituloy ko ang paglapit kay Phoemela.

Kahit may kalayuan pa ay napagmasdan ko ang itsura nung babae. Nakaharap ito sa pintuan ng O.R. kaya kalahating mukha lang nito ang nakikita ko. Simple lang ang suot niyang hooded sweatshirt at capri pants pero kitang-kita ang pagka-sosyal niya. May edad na ito, pero matikas pa rin ang tindig nya. Kakilala kaya siya nila Perry?

"Mama, ibibili muna kita ng kahit anong makakain. Paniguradong gutom ka na," nakatingalang sabi ni Phoemela sa babae.

Mama?

Lalong umahon ang kaba sa dibdib ko. Lalo na nang masilip ko na may kasama pa silang may edad na ring lalaki na halos kahawig ni Perry.

Bigla akong napahinto sa paglalakad. Hindi ko yata kayang harapin ang mga magulang ni Perry ngayon. Lalo na at malaking dahilan ako kung bakit ito naaksidente.

"Kahit kape na lang, dear. Wala akong ganang kumain."

Pati sa pagsasalita ay kakikitaan mo ng pagka-elegante ang Mama ni Perry. Sabi nga nila - 'prim and proper'.

"Sige po," narinig kong sagot ni Phoemela kaya bigla akong nataranta.

Agad akong tumalikod. Kung anong bilis ng lakad ko kanina para makalapit kay Phoemela ay doble ngayon para makapagtago ako sa kanya.

TUMAMBAY muna ako sa lobby ng hospital. Hindi pa kaya aalis ang mga magulang ni Perry? Nahihiya akong harapin sila. Bakit ba kasi nangyari ito?

"Rosanna..."

Napalingon ako sa likuran ko, pero wala namang tao roon. Ako lang ang tao sa parteng ito ng lobby at malayo naman yung ibang nakaupo sa akin.

Rosanna ba uli iyong tinawag na pangalan? O guni-guni ko lang iyon?

Minabuti kong huwag na lang pansinin kung anuman 'yun. Masyado lang siguro akong maraming iniisip kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Pagbaling ng tingin ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang painting sa sulok ng corridor. Hindi ko masyadong kita ang laman nun magmula dito sa puwesto ko. Pero parang may magnet ang painting at hinihila niya ako papunta sa kanya.

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon