"I learned that people leave even if they have promised a thousand times that they won't..."
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Halos madaling-araw na kasi ako nakatulog. Gustuhin ko mang matulog pero hindi maalis sa akin ang hindi matakot.
Natatakot ako. Natatakot ako na tama ang sinasabi ni Aling tour guide. Na may katotohanan ang lahat. Natatakot ako na pagtulog ko ay mapunta na naman ako sa lugar na iyon sa panaginip ko.
Pero paano kung totoo nga? Totoo pala ang lahat. Paano kung iyon lang ang paraan para mailigtas ko ang lahat ng nakapaligid sa akin?
Hindi pa rin ako makabangon. Nakadilat lang ako habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko.
Kapani-paniwala pa ba ang mga ganoong kuwento sa panahong ito? Hindi kaya imagination ko lang ang pagkikita namin lagi ni Aling tour guide? Hindi kaya may sakit na ako sa utak, at nakakakita ako ng mga taong bunga lang ng isip ko? Pero paano naman ipapaliwanag na pati sa panaginip ay lagi ko siyang nakikita at nakakausap? Pati na rin 'yung... si Shawn? Si Captain Shawn?
Napapikit uli ako. Nababaliw na yata ako! Kailangan ko na bang sabihin itong nangyayari sa mga kapatid ko? Pero sinong maniniwala sa akin? Paniguradong aakalain nila na gumagawa lang ako ng kuwento.
Naalala ko rin iyong naging usapan namin ni Darling kagabi. Kung ano talaga ang katauhan at posisyon ni Perry sa opisina namin. Higit pa pala sa akalain ko ang katayuan ni Perry sa buhay. Kung iyong ibang katulad ni Perry ay uupo na lang sa posisyong nakalaan talaga para sa kanila, pero hindi si Perry. Ngayon ko lang lubusang nakikita ang kababaang-loob niya para piliing mag-umpisa sa mababang posisyon sa kumpanya. Ang piliing makisalamuha sa tulad naming mga rank and file lang.
Oo nga pala! Speaking of Perry!
Hinanap ng mga mata ko ang cellphone ko. Nang makita ko ay agad akong bumangon paupo sa kama ko, at saka dinampot iyon sa katabing mesita. Pagkabukas ko nun ay nakita ko na may isang message galing kay Phoemela.
From: Phoemela Nicholson
Ate Roxy, nakalabas na ng OR si Kuya. Pero under comatose kaya nasa ICU siya. Medyo bugbog din yung left ribs niya saka upper leg niya. Please pray for him. Pwede ka siguro pumunta ng lunch time kasi uuwi muna sila Mama sa bahay.
Habang binabasa ko ang mensahe ni Phoemela ay hindi ko napigilang mapaiyak. Nasasaktan ako sa kalagayan ni Perry. Naisip ko tuloy, kung hindi siguro ako naging malapit kay Perry hindi siya madadamay sa sumpa.
So, tinatanggap mo na sa sarili mo, Roxanne na totoo nga ang sumpa?
Ano pa ba ang pwedeng ipaliwanag sa mga nangyayari ngayon? Parang imposible naman na coincidence lang ang lahat ng sinabi sa akin ni Aling tour guide na 'yun.
Hindi ko napigilang mapahagulgol. Nababaliw na yata talaga ako! Nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako pwedeng lumabas ng kuwarto na maga ang mga mata ko. Mahahalata ako ng mga kapatid ko. Ayokong problemahin pa nila pati ako. Ang gusto ko ay gumaling na silang dalawa at mamuhay na nang tulad dati.
Nang sa tingin ko ay okay na ako, bumaba na ako ng kama ko. Kailangan kong magluto muna ng pagkain ng mga kapatid ko bago ako pumunta ng hospital para dalawin si Perry.
BINABASA MO ANG
GOING BACK TO 1945
Ficción históricaRoxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. "Makakapaghintay ang love-love na yan!"pangangatwiran niya. Pe...