6 - Ang Pagbabalik

196 12 0
                                    

"If you love someone, tell them. For hearts are often broken by words left unspoken...."


"Ms. Roxanne, okay na. Aalis na kami."

Bahagya akong tumango sa pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyari kay Lucas. Nakatayo sa di-kalayuan ang kasama nito.

Matikas na nakatayo 'yung pulis sa kabilang side ng hospital bed ni Lucas. Kahit nakasuot ito ng uniform ng pulis ay mahahalata mong maganda ang katawan nito base sa malapad nitong balikat at matipunong dibdib. Idagdag pa 'yung balingkinitan nitong beywang. Bigla ko tuloy naalala si Chris Evans sa pelikula niyang Captain America!

"Alain, I am hoping for a fast result."

Napalingon ako kay Perry. Mahigit isang linggo na si Lucas dito sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinabayaan ni Perry. Nailipat na rin ito sa regular na kuwarto mula nang magkamalay siya.

Actually, hiyang-hiya na nga ako kay Perry. Grabe ang pag-asikaso niya sa mga pangangailangan ni Lucas. Para sa isang manliligaw lang ay sobra-sobra na ang nagagastos niya sa amin. Ilang beses ko na rin namang tinanggihan at pinipigilan ito pero normal na yata kay Perry ang pagiging matigas ang ulo!

"Maraming salamat din, Sir Alain. Sana po ay mahuli agad ang gumawa nito sa kapatid ko," sabi ko rin sa tinawag ni Perry na Alain.

"Or you can call me, plain Alain. Can I call you, Roxanne? Or Roxy?" sa halip ay sagot niya naman sa akin.

Sasagot sana ako nang biglang nakuha ni Perry ang atensiyon ko.

"Uhurm! First name basis ba talaga ang ginagamit mo kapag may sino-solve kang kaso, Captain Alain?"

Bahagyang tumawa si Alain at saka nilingon si Perry.

"Possessive, huh?" sabi ni Alain, at saka ito nang-aasar na ngumiti kay Perry.

Muli siyang lumingon sa akin at saka ngumiti. Nakaramdam naman ako ng hiya sa kanya, dahil sa inasal ni Perry.

"Aalis na ako, Roxanne. Baka kasi hindi na ako makalabas ng buhay dito kapag nagtagal pa ako," paalam ni Alain.

Kaibigan daw ito ni Perry. Naging magkaibigan sila noong maging magkaklase sila noong High School. At kahit pa naghiwalay sila ng kolehiyong pinasukan nang mag-College na sila ay hindi naging hadlang ito sa pagiging magkaibigan nila. Parang si Lucas at Bernard lang.

"S-Sige," maikli kong sagot.

Pansin ko ang matalim na tingin dito ni Perry na para namang balewala lang kay Alain. Binalingan ni Alain ang kasamahan nito at saka simpleng tinanguan ito. Tahimik na naglakad iyong kasama niya papunta sa may pintuan, pagkatapos ay binuksan na ang pinto.

"Tutuloy na po kami, Miss... Sir Perry," sabi niya, bago siya tuluyang lumabas.

Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Sumunod sa kanya si Alain. Pero bago lumabas ng pinto si Alain ay nilingon niya ako.

"I know when my friend is really in love. Please give him a chance, Roxanne-- I mean Miss Sta. Maria. Parang awa mo na..."

"Anak ng--" narinig kong sabi ni Perry, kaya napatingin ako sa kanya.

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon