Love recognizes no barriers. It jumps hurdles, leaps fences, penetrates walls to arrive at its destination full of hope."
Sabay ko na inilabas sa hospital ang dalawang kapatid ko. Buti na lang at ginawa ko silang dependent sa healthcard ko sa opisina, at hindi masyadong nabawasan ang ipon ko.
Si Perry pa rin ang karamay ko nang araw na 'yun. Nagmagandamg loob na rin siyang ihatid kami sa bahay, na hindi ko na rin naman tinanggihan. Parang nasanay na rin kasi ako na laging nandiyan si Perry sa lahat ng galaw ko. Ang mga kapatid ko ay wala ring bukambibig na kung hindi 'Kuya Perry'. Minsan nga, mas hinahanap pa nila si Perry kaysa sa akin.
Alagang-alaga kasi sila ni Perry. Lahat ng kailangan nila ay nakaalalay si Perry sa kanila.
Pati ang pagsasampa ng demanda sa sumaksak kay Lucas ay naiayos na rin ni Perry. Salamat na rin kay Alain, at napabilis ang paghuli doon sa tao. Napalapit na rin ako kay Alain. Para talaga silang magkapatid ni Perry kung mag-asaran. Minsan natutuwa ako kapag nananadya si Alain na pagselosin si Perry. Hindi talaga maitimpla ang pagmumukha ni Perry!
Siyempre ang panlaban ni Perry sa kanya ay ang kapatid niyang si Phoemela. Kapag si Phoemela na ang nabanggit? Tiklop na si Captain Alain!
Ipinakilala na rin sa akin ni Perry si Phoemela. Mabait din ito katulad ni Perry at mababang-loob rin na katulad ni Perry, sa kabila ng yaman nila. Hindi nakakapagtakang main-love nga sa kanya si Alain.
Hi! Ikaw pala si Ate Roxy! Tama nga si Kuya Perry. Ang ganda-ganda mo! Bagay na bagay kayo ni Kuya..." pagbibiro pa ni Phoemela, "pero parang pamilyar sa akin ang mukha mo..."
"Ha? Hindi naman... ikaw ang maganda! Kaya pala patay na patay sa 'yo si--"
"Eherm! Don't speak bad words, Roxy," singit naman ni Perry.
Napalingon ako sa kanya, at saka ako napakunot-noo. Bawal bang sabihin ang pangalan ni Alain?
"Naku, Ate Roxy... pinagbawalan ni Kuya si Alain na ligawan ako," tila nagsusumbong na sabi ni Phoemela.
"At kailan pa naging Alain lang ang tawag mo sa pangit na 'yun? Kung natatandaan ko nung college kami, Kuya Alain ang tawag mo sa kanya," nakasimangot na sita ni Perry kay Phoemela.
"Ayan, oh....Ate Roxy... 'yan talaga ang totoong ugali niyan! Masungit!" inis na sabi ni Phoemela.
Tapos ay inilapit niya sa akin ang mukha niya.
"Kung ako sa 'yo, huwag mong sagutin 'yan."
Obvious namang nag-aasaran silang magkapatid kaya nginitian ko lang si Phoemela.
Biglang hinawakan ni Perry ang kamay ni Phoemela at saka hinatak papunta sa pintuan.
"Mag-rounds ka na nga! Oras ng trabaho nakikipag-kuwentuhan ka lang! Shoo!" pagtataboy pa ni Perry sa kapatid niya, sabay bukas ng pintuan. Bahagya pa niyang itinulak palabas si Phoemela.
Tumawa lang si Phoemala sa ginawa ni Perry.
"Next time na lang ulit, Ate Roxy! Kapag wala sa paligid itong kuya kong masungit!" malakas na sabi ni Phoemela, bago naisara ni Perry ang pintuan.
BUMABA ako sa improvised step ladder namin, at saka sinipat kung pantay ba iyong ikinabit kong kurtina. Wala sa loob na napangiti ako.
"Pink talaga ang napili mong ilagay na kurtina Ate, ha. Mukhang may sasagutin ka na mamaya, ah..."
Napalingon ako kay Lucas at saka ito tiningnan nang masama. Nakangiti ito habang panay ang subo ng pringles na kasama sa pinamili ni Perry.
BINABASA MO ANG
GOING BACK TO 1945
Ficção HistóricaRoxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. "Makakapaghintay ang love-love na yan!"pangangatwiran niya. Pe...