14 - This Is It

130 7 1
                                    


"Kind words can create confidence. Kind thinking can be profound. But your kind giving of time creates love..."


"Sinong Alex ang pinag-uusapan ninyo?" tanong uli ni Ramon, habang papalapit sa amin ni Manay Teresita.

"Ah.. Ah... si Alex. Iyong bagong gitarista mamaya. Eh, may bagong kanta kasi itong si Rosanna. Baka raw hindi alam ni Alex tipahin sa gitara," paliwanag ni Manay Teresita, saka pasimple akong pinandilatan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap ni Ramon, ganung ngayon ko pa lang naman siya nakaharap. I mean ako na si Roxanne bilang si Rosanna.

Kumunot ang noo ni Ramon na para bang nag-iisip. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na mapagmasdan siyang mabuti.

In fairness, hindi halatang may edad na itong si Ramon. Ilang taon na kaya siya? Nakalimutan kong itanong kay Manay Teresita. Matikas pa rin ito at mukhang maalaga sa katawan niya. Medyo may mga kaunti nang puting buhok, pero kapag pinakulayan niya iyon ng itim ay mas babata pa siyang tingnan lalo kaysa ngayon.

"Alex ba ang pangalan noon?" Halos malukot na ang noo ni Ramon sa sobrang pagkakunot nito, sa sobrang pag-iisip niya. "Teka... parang Juancho yata ang pangalan nun? Oo. Tandang-tanda ko.Juancho ang pakilala niya sa akin," dagdag pa niya.

Naku! Lagot na! Hindi pa yata kami makakalusot ni Manay Teresita.

"Ahh... ganun ba? Akala ko Alex. Sus! Pasensiya na. Medyo nagiging makakalimutin na yata ako. Ganun na nga siguro," nakangiting sagot ni Manay Teresita kay Ramon.

Bumaling sa akin si Ramon.

"Ano ba 'yung bago mong kakantahin, Rosanna? May sinulat ka ba uling tula para gawing kanta?" magiliw na tanong ni Ramon sa akin.

Napalunok ako. Ano bang isasagot ko? Eh, hindi naman ako ang sumulat nun. Pero hindi ko naman pwedenng sabihin sa kanya na sa future ko narinig iyong kantang 'yun. Napatingin ako kay Manay Teresita pero pinandilatan lang niya ako ng mga mata.

"O-Oo. Ano--May... may naisip kasi ako. Iyon. Naisip ko lang basta. Baka pwedeng gawing kanta. Ganun. Alam mo na.... para maiba naman sa mga usual, I mean karaniwang kinakanta ko..." palusot ko pa.

"Bakit? Nagsawa ka na ba sa mga karaniwang inaawit mo?" tanong uli sa akin ni Ramon.

Ah! Inaawit ba ang term?

"Ahm... hindi naman. Okay naman iyong mga karaniwang inaawit ko. Hehe. For a ch-- para maiba lang."

"Paniguradong maganda 'yan kasi ikaw ang lumikha," magiliw na sagot sa akin ni Ramon.

Wow! Ang lalim! Lumikha!

"Siyangapala. Pupunta nga pala ako sa Escolta ngayon. May ipapabili ka ba?" tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Ha?" Escolta? Sa mga textbook ko lang naririnig 'yun. Hindi pa nga ako nakakarating doon. Ano bang itsura dun? Ano bang nabibili dun? Roxanne naman kasi... hindi ka muna nag-short course kay Alexa ng History 101!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOING BACK TO 1945Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon