"If you cannot hold me in your arms, then hold my memory in high regard.
And if I cannot be in your life, then at least let me live in your heart...""A penny for your thought?"
Napalingon ako sa nagsalita.
"Perry... ikaw pala," sabi ko dito.
Ngumiti ito at saka naupo sa tabi ko. Nasa canteen ako sa kumpanyang pinapasukan ko. Afternoon snack na pero hindi naman ako kumakain. Nakaupo ako patalikod sa kabuuan ng canteen. Dito ako nakapuwesto sa tapat ng glass wall kaya kitang-kita mo ang kabuuan ng paligid. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko iyong panaginip ko, at 'yun lang ang naging laman ng isip ko mula kaninang pumasok ako ng opisina.
"Lalim ng iniisip mo mahal, ah. Sana kasama ako sa iniisip mo ngayon," nakangiti pa ring sabi ni Perry, at saka naupo sa silyang nasa tabi ko.
Inirapan ko ito. May isang taon na ring nanliligaw sa akin si Perry. Pero wala sa priority ko sa ngayon ang pakikipag-boyfriend.
"Tigilan mo nga ako ng katatawag ng mahal diyan, Perry," sabi ko sa kanya.
Bahagya siyang tumawa.
"Mahal naman talaga kita, ah. Ikaw lang itong ang tagal akong mahalin. Cute naman ako. Hindi. Sabi ng Nanay ko, guwapo daw ako," sabi niya, at saka inilagay ang daliri niya sa ilalim ng baba niya na parang kasali sa pa-contest sa TV ng mga lalaking ibinibida ang kaguwapuhan nila.
Tinaasan ko ito ng isang kilay.
"At naniwala ka naman sa Nanay mo?" pang-iinis ko pa sa kanya.
In fairness, guwapo naman talaga si Perry. Understated siguro iyung guwapo. Super guwapo! Half pinoy, half american ba naman ang kumag! Saan ka pa?
Kailangan ko lang talaga siyang barahin paminsan-minsan, lalo na kapag nagpapahiwatig siya ng nararamdaman para sa akin. Ayoko kasi talagang mag-entertain ng manliligaw hanggang maaari.
Papasa nga itong model o artista eh. Hindi bagay dito ang simpleng Bank Coordinator sa kumpanya namin. Kadalasan ay sa field ang trabaho nito kaya bihira lang siyang mag-stay sa office. Which is, pabor sa akin.
Nagpupunta siya sa mga partner car dealers ng kumpanya namin para mag-approve ng mga maglo-loan ng sasakyan.
At dahil sa halos foreigner looks niya, hindi na nakakapagtakang marami itong nabobolang magagandang babae sa mga pinupuntahan niya. At dahil dito, nakakapagtakang tinatapunan pa niya ako ng pansin.
"Siyempre naman! Nanay ko 'yun. Hindi ako lolokohin nun!" confident na sagot niya.
"Tange! Alam mo bang para sa isang ina, ang anak niya ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa paningin niya? Ganun 'yun!" dagdag pang-aasar ko.
Nalukot ang mukha ni Perry, at ngumuso pa. Pinigilan kong mapangiti. Kasi naman ang cute niyang tingnan.
"Ang sweet mo talaga, mahal. Lagi mo akong binabara. Kakaiba ka talaga. Kaya lalo akong nai-inlove sa 'yo, eh," seryosong sabi ni Perry na para bang hindi siya apektado sa sinabi ko.
"Bahala ka nga diyan, Perry! Babalik na ko sa puwesto ko," sabi ko, sabay tumayo na.
"Hatid kita mamaya, Roxy." Tumayo na rin ito, at saka ako sinabayan sa paglalakad.
"Huwag na. Out of way ka. Sayang gasolina mo," sagot ko rito.
"Roxy naman... pagbigyan mo naman ako... kahit ngayon lang," ungot nito.
"Uy, Perry. Tantanan mo na ako. Oras ng trabaho. Mamaya riyan, mapagalitan pa ako ng boss mo. Nakadikit ka na naman sa akin," sabi ko dito.
"Sige ba, basta ihahatid kita mamaya," sagot nito.
BINABASA MO ANG
GOING BACK TO 1945
Fiction HistoriqueRoxanne Sta. Maria. Ordinaryong office girl at mabait na ate sa dalawa niyang kapatid na Alexa at Lucas. Sa totoo lang, hindi pa sumagi sa isip niya na magkaroon ng boyfriend sa ngayon. "Makakapaghintay ang love-love na yan!"pangangatwiran niya. Pe...