Chapter 20: Who

2.4K 49 0
                                    

Cy's POV

Kakagising ko lang mula nung mangyare yung nangyare samin ni Austin kagabi at wala sya sa tabi ko ngayon kaya malamang gising na sya.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako pumayag na gawin namin yun ay dahil gusto ko at dahil may nalaman ako.

Kahapon nung nagliligpit ako ng mga gamit na ginamit namin ni Nam para sa poster ay may nakita akong malaking box na medyo naalikabukan na at may ribbon sa taas, kinuha ko yun at binuksan then I saw a lot of gifts and cards. Nang basahin ko ang mga card na nakadikit dito ay regalo yun lahat para sakin ni Austin for our anniversary, christmas and also my birthdays na hindi nya magawang ibigay sakin, meron ding isang notebook na nandun and it is his little diary. Binasa ko yun ng ilang oras mula sa umpisa hanggang sa makatulog ako sa sofa dahil na rin sa kakaiyak sa mga nabasa ko buti na nga lang at hindi nakita ni Austin yun dahil pasimpleng sinipa ko yun papasok sa ilalim ng sofa nung dumating sya.

Sobrang dami kong nalaman at wala ako sa tuwing nagkakaproblema sya kasi hindi nya din naman kayang sabihin sakin ang mga problema nya at dahil din sa box na yun ay nalaman ko kung gano ako kamahal ng asawa ko.

He doesnt really like writing a diary but he did kasi wala syang mapag sabihan unlike dati nung maayos pa kami ay halos sabihin na namin lahat-lahat about sa isat-isa.

"Oh? Mahal gising kana pala"

Napantingin ako sa pinto at nakita ko si Austin na may dalang breakfast in bed kaya napangiti ako agad sa kanya.

"Wow!"

Puro paburito kong breakfast yung ginawa nya.

Toasted bread with mango and strawberry jam, sunny side up, garlic rice and milk.

Aww napaka sweet naman ng asawa ko.

"Do you like it?"

Tanong nya at nakangiti naman akong tumango.

Inayos nya na sa harap ko lahat pagkatapos ay binigyan nya ako ng bathrobe at isinuot ko yun because I'm still naked.

"Come here and join me"

Sabi ko at lumapit naman sya at umupo sa tabi ko.

Pero sa totoo lang sobrang gwapo ni Austin pag umaga lalo na pag bagong gising and take note topless sya ngayon dahil ang tanging suot nya ay jogging pants lang. Nakikita ko tuloy yung mga kalmot ko sa kanya sa likod last night.

"Mahal"

Pag tawag sakin ni Austin habang kumakain ako.

"Hmm?"

"Ahh wala"

Sagot nya at umiwas ng tingin sakin and that is how I know that there is something.

Nginuya ko lahat ng pagkain na nasa loob ng bibig ko at nilunok pagkatapos nun ay mabilis akong lumapit sa kanya at hinalikan sya sa labi.

It's just a peck but he looks so surprised.

"Mahal why....."

He asked habang nakahawak pa sa mga labi nya.

"Good morning kiss"

Nakangiting sagot ko sa kanya at unti-unti naman syang napangiti.

Yieee kinikilig yan.

"Isa pa nga di kasi ako ready"

Nakangiting sabi nya.

"Wala na, mamaya na ulit pang good night kiss naman"

Sagot ko naman.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon