Chapter 17: Cold

2.2K 55 0
                                    

Cy's POV

Maaga akong nagising ngayon para maunahan ko si Austin gumawa ng breakfast.

Limang araw pa lamang kaming magkasama ulit pero pakiramdam ko ang dami na kaagad na nangyari. Sa dami ba naman ng mga pakulo niya sa buhay ay talagang hindi ka ma-bobored kasama siya.

He always makes sure that I'm entertained by saying random and annoying yet funny things to me.

Pumunta ako ng kusina to check ingredients that I need at nang buksan ko ang ref ay kulang ang ingredients na available para sa naisip kong lulutuin. Even the main ingredient is nowhere to be found kaya nagluto na lang muna ako ng garlic rice, hotdogs, and sunny side up egg then I also sliced mango for dessert.

Aayain ko na lang siguro si Austin mamaya para mag-grocery dahil halos walang laman ang ref namin. Masyado rin kasi siyang busy para mag-abala pa doon.

Nang matapos akong magluto at maghanda ng pagkain sa hapag kainan ay umakyat na ako ulit sa kwarto para gisingin si Austin na mahimbing na natutulog.

"Austin."

Pagtawag ko sa kanya habang mahinang tinatapik-tapik ang braso niya.

"Austin wake up, kakain na tayo."

Pagtawag ko ulit sa kanya pero nag-iba lang sya ng posisyon at tinalikuran ako.

Aba, ayaw mong magising ah.

"1...2... AH!"

Malakas kong ibinato ang sarili ko sa kanya pero ako ata ang nagulat nang mabilis niya akong hilain at tandayan.

"Hoy! Gising ka na ano?"

Kanina pa siguro 'to gising at nagkukunwari lang na tulog.

"Austin ang bigat mo, hindi ako makahinga."

Reklamo ko habang tinutulak siya and thankfully he let go of me.

"Tara na kumain na tayo."

Malambing na pag-aya ko sa kanya. Kakagising niya lang kaya iiwasan kong magtaray basta wag niya lang akong inisin.

"Sunod lang ako."

Sagot niya at nauna nang tumayo at dumiretso sa loob ng bathroom kaya naman inayos ko na lang muna yung kama.

Natapos na lang ako sa pag-aayos ng kumot at mga unan pero hindi pa rin lumalabas ng bathroon si Austin. Maybe he's showering kaya bumaba na lang muna ako ulit para doon na siya antayin.

Nakaupo lang ako habang takam na takam na nakatingin sa mga pagkain nang may mag-doorbell ng sunod-sunod na parang batang nang-titrip.

Kunot noo akong tumayo at binuksan ko ang pinto at kaagad kong natanaw ang dalawang makulit na kaibigan ni Austin na nakatayo sa labas ng gate.

Anong ginagawa nila dito ng ganito kaaga?

Lumapit ako sa gate at pinagbuksan sila.

"Good morn..."

"CY?!"

Sabay at oa nilang sigaw kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"Um? Hi?"

Bati ko sa kanilang dalawa.

"Bat ka nandito? Okay na kayo?"

Tanong ni Travis.

"Um?"

Okay na nga ba? 'Di ba kasi contract lang naman ito.

"No, she's just here for 20 days as a deal to save her man named Renzo."

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon