Chapter 23: I'm sorry

2.2K 57 4
                                    

Cy's POV

[Day count: 13]

Nagpeprepare na ako ngayon paalis para kitain si Renzo, ngayon kasi yung napag usapan naming araw since ngayong araw din papasok sa office si Austin.

Nag pants, plain shirt and white shoes lang ako since hindi naman ako magtatagal dun, kakausapin ko lang talaga si Renzo.

Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse na service ko na pinadala ni Renzo para di na daw ako mahirapan sumakay.

"Um excuse me?"

Pag agaw ko sa atensyon ng lalakeng nagdadrive ngayon at ang alam ko ay sya ang pumalit saking secretary ni Renzo.

"Yes maam?"

He asked.

"Kamusta na si Renzo?"

Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot agad dahil mukang nag iisip pa sya ng isasagot nya sakin siguro dahil hindi nya ineexpect na yun ang itatanong ko.

"What do you mean po maam?"

Tanong nya ulit.

"Does he still smile a lot?"

Tanong ko.

"No maam, I never saw him smile since I started working there"

Pormal at malamig na sagot nya sakin.

Napabuntong hininga ako, hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko lahat, kasalanan ko naman talaga.

Hindi ko alam kung pano ko sya haharapin mamaya o kung ano ang una kong sasabihin at gagawin kapag nasa harap ko na sya. He is a very good man and he deserve someone who can make him smile hindi tulad ko na walang ginawa kundi dumagdag sa problema nya dahil sa napaka komplekado kong buhay.

"Maam andito na po tayo"

Sabi nung secretary ni Renzo.

Andito na pala kami at hindi ko man lang namalayan dahil sa kakaisip ko.

Tumango lang ako sa kanya pagkatapos ay pinagbuksan nya na ako ng pinto at sinamahan ako hanggang sa makapunta na kami sa tapat ng office ni Renzo.

"Thank you"

Sabi ko sa kanya pagkatapos ay nginitian nya lang ako at umalis na sya.

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay kumatok ng tatlong beses.

"Come in"

Pagkarinig na pagkarinig ko palang ng boses nya ay kinilabutan na agad ako.

Maybe because I missed him. Hindi ko naman itatanggi yun.

Pumasok ako sa loob at pagkatingin ko palang sa kanya ay agad na nagtama ang mga tingin namin

"Hi"

Simpleng pag bati nya sakin at pinaupo nya ako sa sofa sa office nya.

"Hi"

Bati ko din sa kanya.

Sobrang awkward ng paligid kagaya ng inaasahan ng ko. Matagal din kaming hindi nagkita at naging malabo lahat para sa kanya.

"Ho..how are you?"

He asked.

I don't know why but the moment he asked me that ay para akong nabasag. He asked me ho I am when he is obviously the one suffering because of me.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon