Chapter 22: Film camera

1.9K 55 0
                                    

Cy's POV

[Day count: 11]

Kakatapos lang naming mag breakfast ni Austin at kasalukuyan kaming nanunuod ng tv ngayon at nakaupo sa sofa, nakaakbay sya sakin habang ako naman ay nakasandal lang sa kanya at kumakain ng fries.

Ang gwapo nya nga kahit messy hair at plain white shirt lang ang suot nya kaya hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap minsan. Mas gusto ko pa sya panuorin kesa sa tv.

Kukuha sana ako ulit ng fries na hawak nya nang bigla nyang iaangat yung lalagyan nung fries kaya hindi ko maabot.

"Ano nanaman ang trip mo?"

Iritang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya ng nakakaasar. Kumuha sya ng isang fries at kinagat ang isang dulo nun pagkatapos ay tumingin sya sa mga labi ko.

"What?"

Taas kilay kong tanong sa kanya.

Inialis nya saglit yung fries na kagat-kagat nya para makapag salita.

"Kainin mo yung kabila"

Sabay turo nya sa kabilang dulo ng fries.

Anong trip ng lalakeng to?

"Ano ako uto-uto? Ayoko nga"

Hays andami talagang kalokohan ni Austin sa buhay pero minsan gusto ko naman hehe.

"Ehhh dali na, pinanalo ko yung game kahapon for you tapos di mo ako pagbibigyan sa wish ko"

He said in his baby voice sabay pout pa.

Buntong hininga kong kinuha yung fries na hawak nya pagkatapos ay kinagat ang isang dulo.

I saw him smirked.

Kinagat nya din yung kabilang dulo at unti-unti naming kinain yun, he's looking at my lips at sobrang nakakapang akit ang mga tingin nyang iyon kaya medyo naiilang ako.

I don't know why pero parang biglang nag soslowmow yung bawat pagkagat nya sa paningin ko.

Pangatlong kagat na, at sa pangatlong kagat na yun ay hinawakan nya ang kanang pisngi ko.

Pang apat, umabante sya ng upo papalapit sakin.

Pang lima, unti-unti ulit syang umabante pagkatapos ay dahan-dahang paharap na umupo sa mga hita ko.

Magkadikit na ang nga ilong namin ngayon at isang kagat nalang ay magdidikit na ang mga labi namin at bago mangyare yun ay iniangat nya ang mga kamay ko at ipinatong iyon sa braso nya.

"I love you"

He whispered at kasabay nun ay ang pagdikit ng aming mga labi.

He started kissing me gently and I'm responding to it.

I feel so hot right now at mas nakadagdag pa sa init na nararamdaman ko ngayon ang posisyon namin, nakaupo sya sa mga hita ko. He's on top of me.

Humiwalay ang mga labi nya sa labi ko ngunit hindi pa din sya tumigil sa kakahalik sakin dahil inilipat nya lang ang mga labi nya sa pisngi ko, napaka bagal at lampot ng mga halik na ibinibigay nya sakin kaya nawawalan ako ng lakas at para akong inaantok.

Naramdaman kong inihipan nya ang kanang tenga ko dahilan para mapa angat ang mga balahibo ko dahil sa kiliting ibinigay ng ginawa nyong iyon.

Humiwalay sya sa pagkakadikit nya sakin at hinarap ako.

"We will continue this at night, medyo sumasakit kasi yung paa ko sa game kahapon"

Sabi nya sabay buntong hininga pa.

Hays kawawa naman baby ko.

"Halika imamassage ko"

Sabi ko pero umiling iling naman sya.

"Wag na, okay lang naman"

Sagot nya. Sus nag papabebe pa eh halatang gusto naman.

"Dali na"

Nagpapapilit pa eh.

"Hmm sige na nga"

Oh sabi sa inyo eh, nag iinarte lang yan. Sya pa nga mismo ang kusang humiga sa sofa at pinatong pa sa legs ko yung paa nya kaya naman sinimulan ko na ang pag pisil sa paa nya at wala pa limang minuto ay nakatulog na sya sa pagmamasahe ko.

Napangiti ako nang tingnan ko ang muka nya pero may bigla akong naalala.

Si Renzo.

Kailangan ko pa syang makausap at sa susunod na araw pa ulit papasok si Austin sa office kaya sa susunod na araw ko padin makikita at makakausap si Renzo.

Mag papaalam din naman ako kay Austin na makikipag kita ako kay Renzo. Syempre dapat alam nya din, he's my husband.

Dahan-dahan kong inaalis ang paa ni Austin na nakapatong sakin at tumayo mula sa sofa. Kukunin ko yung cellphone ko sa taas to message Renzo na magkita kami tsaka gusto ko na din syang kamustahin dahil siguradong nalilito na sya sa mga nangyayare ngayon.

Matapos kong mag message kay Renzo ay nakita kong na seen nya kaagad yun pero hindi sya nagreply. It's okay kasi naiintindihan ko naman. Maybe he don't know what to say.

Napa buntong hininga nalang ako at muling inilapag sa side table yung cellphone ko.

Muli ako bumaba at pumunta kay Austin. Nakatingin lang ako sa kanya an natutulog habang nag iisip kung ano bang pwedeng kong gawin. Nabobored ako at tulog si Austin. Ayoko namang gisingin sya kasi pagod sya dahil sa game kahapon.

After a few seconds nang pagtitig ko kay Austin ay naisipan kong maglakad lakad sa labas.

Kumuha muna ako ng sticky note at sinulatan yun.

"I will go for a walk muna, I love you"

Pagkatapos kong magsulat ay idinikit ko yun sa noo nya at lumabas na ng bahay dala yung film camera ni Austin. Gusto ko kasing kumuha ng mga pictures ng paligid. Ang ganda kasi ng panahon ngayong araw.

Agad akong sinalubong ng masarap na hangin sa paglabas ko.

Unan kong kinunan ang mga ulap at muli nang naglalakad. Bawat magagandang view na madadaanan ko ay kinukunan ko. Katulad ng mga batang naglalaro sa park, mga puno, flowers, puppies at madami pang iba.

Super ganda ng napiling lugar ni Austin na pag tayuan ng dream house namin. Napaka relaxing.

Nang mapagod ako sa pag lalakad ay sandali muna akong umupo sa bench na nakita ko.

Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga kuha ko kanina.

Nasa dulo na ako ng mga pictures na nakunan ko at sa muling pag next ko ay puro pictures ko na ang nakita ko.

Puro stolen pictures ko nung college.

"I miss this"

Komento ko sa mga pictures na nakikita ko.

May mga iba pang stolen pictures ko na kasama si Austin. Pasimple syang sumisingit sa mga pictures. Meron pa yung naka nguso sya habang nakatalikod naman ako atsaka yung may inaasikaso akong school project tapos andun sya sa likod ko na parang naka akbay sakin kahit hindi naman talaga. Ito yung mga panahong pumuporma palang sya sakin.

Ang haba na din pala talaga ng pinagsamahan namin ni Austin at masaya ako na binigyan ko pa ulit sya ng chance. Masakit yung nangyare samin pero mas masakit isipin na lahat ng memories na ginawa namin ay matatapon nalang ng ganun.

I still love Austin and I will always love him.

[A/N: HEY LOVES! DON'T FORGET TO FOLLOW ME ON DREAME]

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon