Chapter 30: Don't leave me again

2.8K 60 1
                                    

Austin's POV

Nagising ako sa tunog ng ulan at malamig na hanging tumatama sa balat ko, nakalimutan ko kasi palang isara yung bintana last night.

Katulad dati, isang malakas na buntong hininga nanaman ang ginawa ko nang makita kong wala parin akong katabing Cy sa pag gising ko.

Walang gana akong tumayo at sinara yung binatana, dumiretso na ako agad sa Cr para gawin ang mga ritwal ko tuwing umaga pagkatapos nun ay bumaba na ako para magluto ng umagahan ko.

Sobrang lamig ngayon dahil sa ulan kaya pinatay ko na din yung mga aircon at baka mag yelo pa ako sa lamig. I'm not a fan of cold places but Cy is.

Magsisimula na sana ako sa pagluto ko nang bigla akong may makitang mga pagkain sa mesa, agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa biglang pumasok sa isip ko.

Is it her? Andito na sya?

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko pa si Part na nakahiga sa sahig at natutulog.

Part looks so cute while sleeping and I want to play with him so bad but I want to see my wife first.

"Cy!"

Natataranta kong sigaw sa buong bahay at tumakbo sa taas para bumalik sa kwarto para tingnan kung nandun sya.

Tiningnan ko bawat sulok at pati na din ang loob ng walking closet pero wala sya dun.

Muli akong tumakbo at pumasok na rin ako sa loob ng guest room, bathroom, office, at bumalik ulit sa kitchen pero wala akong makitang kahit anino man lang ni Cy.

Inikot ikot ko ulit ang tingin ko sa buong bahay pero wala pa din sya.

"Cy! Baby where are you?!"

Muli kong sigaw pero walang sumasagot sakin kundi tanging tahol lang ni Part na nagising na din dahil sa ingay ko.

Napakunot ang noo ko kasabay ng pag tulo ng mga luha ko, it's the first time that I cried simula nung umalis si Cy.

I tried so hard not to cry but now I failed. I am really hoping that she's here because I miss her so bad.

Mababaliw na yata ako sa kakahanap sa kanya ngayon. I feel so hopeless dahil wala akong magawa.

Para akong batang napaupo bigla sa sahig habang umiiyak ngayon pero agad din akong napatayo ng bigla akong may marinig na may nag doorbell.

Sa tunog nang doorbell na yun ay para ba akong nabuhayan ng loob.

God, I really hope that it's her.

"Cy?"

Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto, wala na akong pinalipas na segundo dahil nang mahawakan ko ang door knob ay agad ko na itong binuksan at sa pagbukas kong iyon ay napatulala agad ako.

"Wife"

Tanging salitang yan lang ang lumabas sa bibig ko.

It's her! It's really her! She came back for me!

"Hi"

Bati nya sakin at ngumiti ng pagka tamis tamis.

Fck! You have no idea how happy I am right now. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nakatayo sya sa labas at may hawak na puting payong dahil nga umuulan pa din hanggang ngayon.

Nanginginig ang mga tuhod ko dahil hindi ako makapaniwalang nandito na sya sa harap ko after almost three weeks. Kinusot kusot ko pa nga ang mga mata ko to check if nananaginip lang ba ako o hindi but I'm not.

The one that standing in the rain with a white umbrella is really my wife.

"Ano tatayo kana lang ba dyan?"

She asked.

Sa sobrang hindi ako makapaniwala ay hindi ko na namalayan na kanina ko pa pala sya tinititigan.

Muli akong napaiyak habang diretsong nakangiti sa kanya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at agad syang niyakap ng mahigpit. I don't care if it's raining basta gusto ko syang yakapin.

Cy's POV

"Ano tatayo kana lang ba dyan?"

Tanong ko sa kanya dahil kanina nya pa ako tinititigan.

Pagkatapos ng halos tatlong linggo ay muli ko nanamang nasilayan ang sabay na pag ngiti at pag luha nya.

Nakita kong tumatakbo sya papalapit sakin kaya binitawan ko kaagad yung payong na hawak ko para salubungin ang mga yakap nya.

"Fck! I missed you"

He said as he hugged me.

Sobrang higpit ng mga yakap nya at ramdam ko din ang muka nyang nakasiksik lang sa leeg ko.

Kahit ako ay hindi ko mapigilan ang pag luha ko dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Sobrang namiss ko ang pakiramdam na to, ang init ng katawan nyang bumabalot sakin ngayon at ang mga labi nya sa labi ko.

Iniangat ko ang muka nya nang hindi humihiwalay sa pagyakap nya sakin at kasabay ng ulan na bumabagsak samin ngayon ay marahan ko syang hinalikan sa mga labi nya na kaagad nya namang tinugon.

I missed this and I missed him so much.

"I love you!"

Sigaw ko upang mas marinig nya dahil malakas ang tunog ng pagbagsak ng ulan samin.

"I love you! I love you so much!"

Nagiting ngiti nyang sagot at tinadtad ng halik ang magkabilang pisngi ko.

Nang maghiwalay ang mga katawan namin sa pagkakayakap ay iniabot sakin ni Austin ang kanang kamay nya.

"Can I have this dance?"

He said kaya napatawa naman ako ng mahina.

Hinilamos ko muna ang kamay ko sa muka ko dahil sa ulan pagkatapos ay inabot ko na ang kamay nya.

Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa balikat nya habang ang kanang kamay nya naman ay nakahawak sa bewang ko at ang natitira pa naming mga kamay ay nakataas na magkahawak.

Pareho kaming nakatingin sa isat-isa habang patuloy sa pagsayaw, hindi ko maialis ang mga ngiti ko habang nakatitig lang sa muka nya.

I can't live without this man and I thank God for giving him to me. I love him so much more than I love myself.

Love is really powerful. It can be the start of the pain and also the medicine that can cure the pain.

I'm not the only one who gave Austin a second chance. We both gave each other a second chance.

Second chance is not a simple thing that you give to someone. You really need to make sure if it's worth it or it's not.

"I love you Austin"

"I love you too Cy, please don't leave me again"

He said as he gave me a kiss on my forehead.

"Never naman kitang iniwan eh, I've been with you all this time"

I answered kaya naman napakunot ang noo nya. Yes, I've been with him all this time.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon