Chapter 18: Will you cheer for me?

2.2K 55 0
                                    

Austin's POV

We are on our way home now from the grocery store. Kanina ay hinalikan ako ni Cy at halos mamatay ako sa saya pero hindi ko pinahalata dahil nagtatampo pa ako sa kanya at kagaya ng mga babae ay kailangan din naming mga lalake ng kaunting pagsuyo minsan.

"Austin."

Pagtawag sa akin ni Cy.

See? She doesn't even call me mahal or love just like what she did earlier.

"Huh?"

Cold kong tanong.

"Do you have a problem."

Yes, I have.

"Wala."

Matipid kong sagot sa kanya.

"Ah, okay."

Okay? Yun lang? Hindi man lang ako kukulitin?

Bagsak sa panunuyo 'tong mahal ko. Hindi ata marunong dahil ako palaging ako ang nanunuyo.

Sandaling naging tahimik ang paligid namin nang hindi na siya magsalita pa habang ako naman ay inaantay siyang magtanong ulit pero mukhang wala talaga.

Sa dulo ay sumuko ako at nagdesisyong magsalita na lang.

"I saw Renzo's message for you. Nagseselos ako."

Nahihiya kong sabi habang diretsong nakatingin sa daan at mahigpit na nakakapit sa manobela.

Parang gusto kong tumakbo palayo pero hindi naman pwede.

"Message ni Renzo?"

Tanong niya sa sarili niya na parang nag-iisip pa. Hindi niya pa ba nababasa yung message?

"Ah, that message. You're jealous?"

She laughed.

Hindi lang simpleng pagtawa kung hindi napakalakas na pagtawa.

Nagtatampo ako rito tapos tatawanan niya lang ako. I'm dead serious here. Dapat pala hindi ko na lang sinabi.

Iniinis talaga ako ng binibining ito.

Pinagilid ko ang sasakyan at inihinto kaya naman napatigil siya sa pagtawa.

"Bakit tayo huminto? Anong nangyari?"

Naguguluhang tanong niya habang tumitingin pa sa labas to check kung may nabangga ba kami o nasiraan ng gulong.

"Humarap ka sa akin."

Utos ko at humarap naman siya kaagad.

She looks clueless, like a little child.

"What? Why? Why are you so close to me?"

Sunod-sunod niyang tanong habang umaatras nang unti-unti akong lumapit sa kanya. I even remove my seatbelt just to go closer to her.

"Kiss me."

Sagot ko dahilan para kumulay kamatis ang buong muka niya. Yes, not only her cheeks but her whole face.

"Wh...why... why should I kiss you?"

Nauutal niyang tanong kaya naman napangisi ako.

"You kissed me earlier without my permission pero ngayon ay mukhang nagdadalawang isip ka ata mahal ko?"

She's so confident about kissing me earlier and now she looks so nervous na parang kakainin ko soya anytime. Sobrang siksik niya na rin sa gilid ng upuan sa kakaatras niya sa akin.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon