Chapter 19: Our night together

2.6K 62 0
                                    

[WARNING: This chapter contains mature scenes]

Cy's POV

"Sandali kukunin ko lang yung iba pang gamit sa taas"

Pagpapaalam ko kay Nam at tumango naman sya

Pinageexplain nya nga ako kanina kung bat ko pa sya pinapunta dito eh samantalang next week pa yung laban

Nagpapatulong kasi ako sa kanya ngayon habang wala si Austin dito sa bahay, nasa office sya ngayon eh

"Oh eto na"

Sabay lapag ko ng mga dala kong art materials galing sa mini office ni Austin sa taas at umupo na sa sahig kaharap nya.

Nilatagan ko pa nga yung sahig ng malambot at malaman na blanket dahil sensitive daw yung skin nya but don't get me wrong kasi totoo naman na sensitive yung balat nya, hindi sya nag iinarte.

"So bakit nga atat kang gawin itong poster na to para kay Austin, don't tell me nafafall kana for him? Again?"

Ako nafafall? Fall my foot

"Ano kaba syempre hindi, kailangan kong tapusin to kasi ngayon lang sya wala sa bahay dahil tatapusin nya lahat ng mga papers sa office nya ngayon at hindi ko to kayang tapusin ngayon mag isa, kaya nga nandito ka ngayon"

Pagpapaliwanag ko sa kanya para tigilan nya na ako.

"Hmm sure ka ah?"

Paninigurado nya pa at tumango naman ako.

Nagsimula kaming gumupit ng mga letters at designs, halos di nga kami nag uusap dahil pareho kaming busy sa pag gawa at ang tanging pag uusap lang namin ay 'paabot ng glue' 'paabot ng gunting' 'maganda ba?' Puro ganyan lang.

Ganun kasi talaga kami pag may ginagawa medyo seryoso pero after naman nun ay isang napaka sarap na meryenda ang naka abang samin kasi lagi kaming nag oorder ng pagkain pag tapos.

Makalipas ang halos isang oras na seryosong pag gawa ng poster ay natapos na din namin.

"Oh ayan okay na"

Sabi ko sabay appear kay Nam.

"Good job for us"

Nam said.

Worth it yung pagod kasi ang ganda nung kinalabasan. Full of love.

"So? Kain na?"

Excited na tanong ni Nam at nakangiting tumango naman ako.

Sana magustuhan ni Austin.

"Yes babe"

Sagot ko at kinuha yung cellphone ko sa gilid para mag order sa jollibee.

Austin's POV

Nagdadrive ako ngayon pauwi at sobrang pagod ako ngayon dahil pinilit ko talaga ang sarili kong tapusin lahat-lahat sa office para sa mga susunod na araw ay wala na akong ibang iisipin kundi puro si Cy lang, babe time muna.

10 pm na at wala pa din akong dinner hanggang ngayon, sana lang pinagluto ako ng asawa ko because I'm starving at wala na din akong energy para magluto pa para sa sarili ko.

Pinark ko na yung sasakyan at kinuha yung mga gamit ko bago lumabas ng kotse, kinuha ko yung susi ko sa bulsa ko dahil ayoko nang mag doorbell at baka magising ko pa si Cy because for sure tulog na sya ngayon.

Pagkatapos kong susian yung pinto ay dahan-dahan ko iyong binuksan.

Pumasok na ako sa loob at sa pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang asawa ko na nakahiga at natutulog sa sofa and she's also wearing my pastel yellow hoodie jacket na medyo malaki sa kanya.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon