Chapter 10: First

3K 71 1
                                    

Austin's POV

"WHAT?!"

Travis and Mico shouted in chorus.

"Ang hina mo naman choi."

Mico said looking like he's the one who got rejected again.

"Talaga ba Mico? Eh yung nililigawan mo nga mag-iisang taon na hindi ka pa rin sinasagot."

Sagot ko at malakas na tumawa naman si Travis na akala mo naman ay successful rin sa love life.

"Asshole!"

Pikon na sabi ni Mico sabay bato ng unan sa tumatawang si Travis.

"Pero seryoso choi, sa tingin mo ba kaya pa? Eh mukhang ayaw na talaga ni Cy. Baka naman pinapahirapan mo lang siya pati sarili mo."

Tanong ni Travis.

"Even if I only have 1% chance of getting her back ilalaban ko pa rin yun."

Seryosong sagot ko habang malalim na nakatingin sa kawalan nang biglang magpalakpakan silang dalawa.

Seriously?

Kumuha ako ng dalawang unan at malakas na ibinato sa kanilang dalawa pero parang wala lang sa dalawa dahil nagtatawanan pa rin.

"Bakit ko ba kayo kaibigan?"

Puro kalokohan ang alam eh.

"Kasi gwapo ako tapos panget kayo ni Mico. Naawa ako sa inyo kaya sumama ako."

Kita mo yan, what he just said doesn't even make sense.

Mukhang wala namang maiaambag ang dalawang 'to sa problema ko kaya umakyat na lang ako sa taas at iniwan sila sa sala.

"Papi wait!"

Rinig ko pang sigaw ni Mico at muli nanamang nagtawanan ang dalawa kaya napailing-iling na lang ako at pumasok sa kwarto.

But to be fair and honest, both of them are smart, good-looking and successful especially in terms of business. Malaki ang influence ng mga pamilya nila just like me pero sadyang ganyan lang ata talaga kumilos yang mga yan when it's just the three of us.

We are called the three hot assholes back in college. First, because we are hot, and second because we are hot.

Naglakad ako papunta sa cabinet ni Cy, some of her stuff is still here including her perfume. Kinuha ko yun then I sprayed some on one of my pillows. Maybe I will look weird by doing this but I miss her and this is the only thing I can do to feel that she's home even though she's not home.

I lay down in bed and hug the pillow. With my eyes closed, I'm thinking that it's her.

"I love you."

Cy's POV

It's been two days simula nung huling pagkikita namin ni Austin at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ang kompanya namin dahil sa mga pinaggagagawa niya, that means Austin is dead serious.

Sinabi ko na rin kay Renzo lahat ng nangyari at napag-usapan namin ni Austin but he just told me not to worry at malalagpasan rin daw namin lahat ng hindi magagandang nangyayari ngayon. I trust him, but it's so hard seeing him struggling because of me and I can't even do anything because I'm scared.

Kakarating ko lang sa trabaho at kasalukuyang nag-aantay sa elevator. Nang bumukas ito ay pumasok ako kaagad kasabay ang dalawang babae na employee rin sa kompanya.

I took my phone out from my bag and checked the schedule of the meetings today again. I was minding my business nang maagaw ng pinag-uusapan ng dalawang babae ang atensyon ko.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon