Chapter 16: Do you?

2.1K 57 0
                                    

Austin's POV

Kahapon pa ako iniiwasan ni Cy. Mababaliw na ako, ayaw niya akong pansinin kahit anong gawin ko. Yung tipong yayakapin ko siya pero bigla siyang tatayo para uminom ng tubig o kaya biglang kailangang pumunta sa bathroom. Ang dami niyang palusot.

"Love."

Pagtawag ko sa kanya nang makita ko siyang bumaba mula sa kwarto.

"Huh?"

"Halika dito mahal. Nagluto ako."

Pag-aya ko sa kanya pero tulala lang siya at parang namumula kaya naman lumapit ako sa para tingnan kung may lagnat ba siya.

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa noo ko at ang kaliwang kamay ko naman ay nasa noo niya to comapre if we have the same level of heat.

"Wala ka namang lagnat, okay ka lang ba?"

Tanong ko pero inalis niya lang ang kamay ko na nasa noo niya at nagmamadaling umakyat ulit.

"Love kumain ka muna!"

Sigaw ko sa kanya.

"Mamaya na!"

Sigaw niya naman pabalik sa akin.

Why the heck is she avoiding me? May nagawa ba ako kahapon? Nakaraan?

Malalim na lang akong napabuntong hininga at umupo at kumain ng chinese noodles na niluto.

It tastes good but will surely be better if I eat it with her.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko yung pinagkainan ko at umakyat sa kwarto at naabutan ko si Cy na nakahiga lang.

"Oh."

Pabulong kong reaksyon when I saw her sleeping.

She is sleeping like a baby.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang cellphone ko para picturan siya para naman may pamalit na ako sa lumang wallpaper ko na siya rin naman.

She's so adorable and I can't help myself from smiling as I look at her sleeping beautifully. I chuckled when I noticed how she's hugging the pillow so hard. It looks like she's choking the pillow for some reason.

Kinunan ko siya ng dalawang picture at ilalapag na sana yung cellphone ko sa table nang makita ko yung pentlepen na nasa table rin. Kinuha ko yun at binasa yung label and it says not permanent ink.

Mahina akong napatawa sa naisip ko, evil laugh kumabaga.

I let my intrusive thought win and started drawing on my wife's face. Naglagay ako ng 'Wi' sa kanang pisngi niya at 'Fe' naman sa kaliwa para maging 'wife'.

Cute right?

Nag-drawing din ako ng maliit at cute na baboy sa noo niya at madami pang iba.

Ang dumi na nga ng mukha niya pero ang ganda niya pa rin.

Paniguradong marami nanamang lilipad na gamit sa mukha ko kapag nakita niya ang ginawa ko sa mukha niya. It's fine because I'm already prepared the moment I touched the pentlepen.

Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinadtad siyang kunan ng picture hanggang sa magsawa ako at pagkatapos nun ay tumabi na ako sa kanya.

I hugged her and smelled the smell of heaven again.

Ang sarap sa pakiramdam tuwing kayakap ko siya. The warmth of her skin, the sound of her breathing. Dikit na dikit na ang katawan ko sa kanya but it doesn't seem enough for me.

"I love you."

Bulong ko sa kanya at hinalikan ang leeg niya.

"Hmm."

She moaned at kaagad akong napahawak sa ibaba ko.

"Shit."

I'm turned on just because of that.

Damn no, I can't.

Cy's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil sa mabigat na kung ano na nakapatong sa dibdib ko at nang makita ko ay kamay pala ni Austin yun na nakayakap sa akin.

He's sleeping like a baby, as always.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya para hindi siya magising. Maingat akong tumayo at dumiretso sa bathroom para maligo.

Kinuha ko ang twalya kong nakasabit sa likod ng pinto ko at maghuhubad na sana ng damit nang makita ko ang mukha ko nang matapat ako sa salamin.

"What the fuck is this?!"

I shouted.

May nakasulat na 'wi' sa kanang pisngi ko at 'fe' naman sa kaliwa at hindi lang yun dahil liban sa drawing na baboy sa noo ko ay tadtad din ng I'm sorry and I love you ang mukha ko.

Do I look like a freaking paper to him? Napakapasaway talaga ng lalakeng yun. Balak pa atang gumawa ng apology letter sa mukha ko.

Dahil sa inis ay napahigpit ang hawak ko sa twalya ko at padabog na lumabas mula sa bathroom.

Saktong paglabas ko ay gising na rin siya.

"Hoy! Fernandez!"

Inis na sigaw ko sa kanya pero tahimik lang siyang nakatingin sakin na parang inosenteng bata.

Nabaliw na yata.

I was about to throw my towel to his face really hard nang bigla siyang magsalita.

"Do you like Renzo?"

Bigla niyang tanong kaya napahinto.

"Huh?"

Bakit niya naman biglang natanong yun? That's very random.

Tiningnan ko siya ng maiigi at mukha siyang malungkot.

"Wala."

Sagot niya na may kasabay pang napakalalim na buntong hininga pagkatapos ay lumabas siya ng kwarto.

Anong problema nun?

May topak nanaman siguro kaya hinayaan ko na lang at pumasok na lang ulit ako sa bathroom para maligo.

Ako dapat yung ganun dahil sa ginawa niya sa mukha ko pero siya pa yung nag-emote.

Bahala siya dyan.

I'm just glad that he didn't use a permanent ink pentlepen pero mahirap pa ring tanggalin.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba kaagad ako dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Kanina pa ako hindi kumakain sa kakaiwas ko kay Austin kaya kumukulo na ang tiyan ko.

Binuksan ko yung ref para tingnan kung anong makakain at and I saw a bowl of noodles na may nakadikit na yellow sticky note at nakasulat na "For my wife, eat a lot and stop skipping meals. I don't know if I did something wrong but in case I did I want to say I'm sorry and I love you." na may drawing pang mga pulang puso sa paligid.

Napangiti ako nang hindi ko man lang namamalayan. I can feel butterflies in my stomach as put the noodles in the microwave oven para initin.

Siguro dapat pinansin ko na siya kanina pa. Kawawa naman kasi at mukhang stress na. Kaya ko lang naman siya hindi pinapansin ay dahil naguguluhan na ako sa nararamdaman ko at matagal na rin akong naiilang sa kanya simula pa nung hinalikan niya ako when we went to picnic before. Hindi ko lang pinapahalata but after that kiss, my mind went crazy.

Marupok nga talaga ako pagdating kay Austin. Hindi man lang nagtagal ng buong isang araw ang hindi ko pagpansin sa kanya. Pero naiinis pa rin ako sa ginawa niya kanina sa mukha ko. I will make sure to take a revenge from what he did. Namula kaya ang pisngi ko sa kakabura sa mga dinrawing niya.

Nagsimula akong kumain at napalingon ako nang dumaan si Austin. Hindi niya ako pinansin at nakita kong bumuntong hininga nanaman siya.

Pabalik-balik siya at paikot-ikot sa bahay and I have no idea what's going on. I asked him if what is wrong pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad-lakad. Mukhang bigla atang bumaliktad ang sitwasyon dahil siya naman ang hindi namamansin sa akin ngayon.

20 Days With My Ex Husband [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon