Addison
Wala ako sa sarili ng pumasok ako sa office at mukhang naramdaman naman iyon ni Leila. "You look horrible." Ngumiti lang ako ng tipid dito saka umupo sa tabi niya.
"You look pretty." Ani ko dito. Ayoko dinadala ang problema sa trabaho pero di ko naman ikakailang binabagabag talaga ako sa nangyare.
Saan ako kukuha ng dalawang milyon?!
Hindi naman ako kinulit ni Leila sa problema ko and I really appreciate it. Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog ano notification bell.
From: Adeline
Di pa rin siya gumigising ate. Pero sabi ng doctor umo-okay na daw yung lagay ni papa. Kailangan na lang niya magising.
Nang mabasa ko iyon ay agad naman akong nagpakawala ng bugtong hininga. Hindi na ko nagreply kay Adel at sinimulan ang trabaho ko. Lagi kong nakikitang tumitingin sakin si Leila, di ko napigilan na matawa sa akto niya.
"What is it Leila?" Tanong ko dito.
"What?" Painosente niyang tanong. Napailing naman ako.
"Go to Mr. Johnson and report this to him, okay?" Inabot ko sa kanya ang isang folder na naglalaman ng monthly sales report. Hindi ako komportable sa tinginan ni Leila, weird.
"You really don't wanna talk about your problem?" Tanong niya pa ulit.
"I appreciate your concern but thank you." I smiled at her. Tinapik niya lang ako sa balikat bago tumungo sa office ni Mr. Johnson.
Pagkapasok niya ay nasandal lang ako sa upuan ko. Malapit na ma-expired yung visa ko, napasa ko na rin ang resignation letter ko. Hindi naman kasi ganito ang inaasahan kong mangyayare sa pag-uwi ko.
Ang nasa isip ko pag-uwi ko sasalubong sakin ang pamilya ko sa airport, pagkadating sa bahay may onting salo salo. Hindi yung ganito. Nakakagago naman.
Tumayo ako at naglakad papuntang elevator, I pushed the highest button. Pagdating ko sa rooftop isang malamig na simoy ng hangin ang bumungad sakin. Tinungo ko ang dulo ng gusali kung saan kita ang lawak ng buong syudad.
Is this part of your challenge?
May faith naman ako diba? Hindi naman ako nagkulang sa dasal. Kaligtasan lang ng pamilya ko ang lagi kong hinihiling Sayo.
I talked to Him as I looked up in the sky, mas malakas at mas malamig na hangin ang yumakap sa balat ko.
"Addi!" Tumalikod ako at nabungaran ko si Celine sa pintuan ng rooftop. "My God! Magpapakamatay ka ba?" Ani niya na nakahawak pa siya sa bewang nito habang papalapit sakin.
"Baliw, hindi pa ko nasisiraan ng bait. Kailangan pa ko nila Mama." Binalik ko ang tingin sa syudad, masyadong malawak ang mundo para gawin yung bagay na 'yon. Hindi lang naman kami ang may ganitong problema.
"Itutuloy mo pag-uwi mo?"
Sumandal ako railings ng rooftop. "Hindi ko alam, pa-expired na rin yung visa ko at para namang may choice ako. Kailangan kong makahanap agad ng trabaho pagdating ko ng Pinas."
"Sayang mas malaki kitaan dito kesa sa Pinas." Komento niya na parang di naman ako aware sa bagay na 'yon. Mangingibang bansa ba ko kung malaki sweldo sa Pinas, edi sana lahat ng Pilipino nag-stay na lang kung malaki ang kitaan.
Feeling ko nga mas nananakop ang Pilipino dahil kahit saang bansa may Pinoy! Pinoy everywhere mga sis!
"Ayaw mo maghanap ng DOM?" Tanong nito na ikinalaki ng mata ko.

BINABASA MO ANG
Scandalous Revenge
Ficción GeneralAddison De Guzman isang independent girl na umalis ng Pilipinas at nakipag sapalaran sa America para matulungan ang kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang kanyang nakatakdang pag-uwi ng bansa ay hindi natuloy dahil sa problemang ibina...