Addison
"Addi, can you cut this for me?" Ngumiti ako kay Louie saka tumango, nilapag ko muna 'yung order sa service area.
It's been one week ng magsimula ako mag-trabaho sa restaurant ni Sawyer, na-e-enjoy ko naman ang trabaho ko. Sumakto na din dahil pumunta ng New York si Kenzo para sa isang conference, limang araw na siya doon kaya buti na lang at tinanggap ako dito para naman nalilibang din ako.
Totoo din ang sinabi ni Sawyer medyo masungit si Louie, napaka-perfectionist niya lalo na sa pag-handle ng pagkain, kung pwede doble o triple niyang chine-check ang pagkain bago i-serve. "After this, check the inventory, then you can go home." Ani niya ulit habang naghahalo ng sauce.
"Yes chef." Malapit na din mag-closing time at last order na 'tong ginagawa namin.
Gaya ng sabi ni Louie kinuha ko ang check list at pumunta sa storage area. Nang matapos ako sa gagawin ko ay pumunta na ko sa locker room para magpalit ng damit at nag book na din ako ng uber.
Pagkadating ko sa penthouse ay nagulat ako dahil nandoon na si Kenzo at nakaupo sa may one seater na couch. "Dumating ka na pala, bakit di ka nagsabi?" Hinubad ko ang sapatos pati ang cardigan na suot ko.
"Kakadating ko lang din... How's work?" Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tapat niya.
Hindi na namin in-open ulit yung topic about sa halik. Hindi ko alam kung ako lang ba naapektuhan o pati siya.
"Okay lang, pagod pero enjoy ko naman... Ikaw kamusta?" Tanong ko dito, mamaya sabihin niyang hindi man lang ako interesado sa mga nangyayare sa kanya.
He shrugged. "Nothing's new. Did you eat?" At dahil sa tanong niya bigla akong nagutom.
"Kanina, pero nagugutom ako." Tumayo ako para magpunta sa kusina.
"Lets eat outside." Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Ngayon? Anong oras na." Past eleven na, malamang wala ng bukas na mga resto.
"Tsk, tara na. I'm starving." Tumayo na ito at sinuot ang sweater niya. Sumunod na lang din ako sa kanya.
Pagbaba namin sa lobby ay nandoon din sila Chris pero nagsabi si Kenzo na huwag na kaming samahan, dahil sa malapit lang naman kami.
"Fast food na lang ang bukas, doon na lang tayo." Sabi ko habang nag-i-scroll sa internet.
"Sure." Napatigil siya sa paglalakad dahil tumigil ako. Nilingon naman niya ako. "Why?"
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
His forehead creased. "Yeah, why?"
"You sounds off eh. Hindi mo na ko bini-bwiset, I mean ang seryoso mo masyado." He smirked and tilted his head.
"Bakit? Mas gusto mo bang iniinis kita? O baka naman you want to get rid of your rule number 1?" Nanlalaki ang mata kong tinignan siya.
"Tigang ka ba?" This time he laughed, yung para na siyang mamamatay sa tawa. He even wiped his tears.
Paano niya nagagawang isingit yung bagay na 'yon? Kahit simpleng conversation lang ang gusto ko nagagawa niyang babuyin, para maging pabor ang topic sa kanya!
"Addi god! You're so bold." Tapos tumawa ulit siya. Sa sobrang inis ko sa kanya iniwan ko siya, hinabol naman niya ko.
Umakbay siya sakin pero winaksi ko din agad, pero binalik niya din agad.
"To answer your question... No, hindi ako tigang, Addison." Malakas ko siyang siniko para mapatigil siya sa paglalakad.
"Gago! Ano may kinakama ka habang kasal ka sakin?!" Sigaw ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Scandalous Revenge
General FictionAddison De Guzman isang independent girl na umalis ng Pilipinas at nakipag sapalaran sa America para matulungan ang kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang kanyang nakatakdang pag-uwi ng bansa ay hindi natuloy dahil sa problemang ibina...