Chapter 6

103 8 1
                                    

Addison

"Ready ka na soon-to-be-mrs-veneracion?" Tinignan ko si Celine sa repleksyon ng salamin. Nasa hotel kami malapit sa paggaganapan ng kasal.

Yes. Today is the day ngayon na ang kasal namin ni Kenzo, hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramadaman.

Ngumiti ako kay Celine saka marahang tumango. "Yep. Ready na." Lumapit siya sakin at niyakap ako sa likod.

"Di mo pa ba sasabihin kila tita?" Kinagat ko ang ibabang labi ko saka umiling. Kausap ko kagabi si Adeline at mama okay naman na daw si papa yun na lang naman ang hinihintay ko. Buti na lang na pakiusapan ko din si Kenzo na kung pwede makuha ko yung kalahati dahil kailangan na talagang ma-operahan ni papa. "Kailan mo balak sabihin?"

"Kapag okay na talaga si papa, kagagaling lang sa opera non baka kapag nalaman niyang ikakasal ako baka bigla na naman siya atakihin." Ani ko dito.

Pero di ko naman maiwasang malungkot. Syempre, ikakasal ako gusto ko nandito buong pamilya ko dahil once in a lifetime lang ako ikakasal tapos wala pa sila dito. Worst ni hindi ko man lang masabi sa kanila na ikakasal na ko.

"Your crying." Pinunasan ni Celine ang luhang kumawala sa mata ko.

"Sayang wala sila dito eh. Hindi ako makikita nila mama na magpakasal." Binigyan niya ko ng maliit na ngiti bago ako niyakap.

"Shh okay lang yan. Saka maiintindihan naman nila tita if uuwi kang may asawa o anak." Tinuktukan ko siya, at tinawanan niya naman ako. "Bakit? Gwapo naman mapapangasawa mo ah! Di ka na lugi!"

"Wala sa usapan namin yon, gaga." Parehas kaming tumatawa ng bumukas ang pinto ang iniluwa non si Leila.

"Hi! Wow you are so pretty!" Lumapit siya at niyakap ako. "Congrats but we need to go, Kenzo already texted me." Inalalayan nila ako hanggang sa makababa kami sa lobby.

Sa labas ng hotel nag-hihintay ang isang puting audi. Sigurado naman akong kay Kenzo 'to dahil ayon kay Leila Kenzo owns ten differents of luxurious car.

Sa loob ng sasakyan pinaggigitnaan ako ng dalawa habang sa passenger seat naman ay ang photographer. Di na kami nag-rent ng videographer kasi para sakin civil pa rin 'to. Para lang may memories dahil kasal ko pa din naman ito.

Pagdating namin sa Midtown Loft and Terrace may mga nakaabang na staff doon. Nakangiti lang ako at sila Leila na talaga ang abala sa lahat, mas abala pa sila kaysa sa organizer.

"Ano 'yon?" Tanong ko kay Celine ng may mapansin akong tatlong tao na may mga bitbit na camera. "Isa lang naman nirentahan natin na photographer, diba?"

Tumango naman si Celine. "Yeah. I think their are press."

Gulat ko siyang nilingon. "What?" Bakit kailangan may press?

Mahina naman natawa si Celine. "Babe let me remind you. You're going to marry a Veneracion, okay?" Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang tatlong press na busy sa pagkuha ng litrato.

Pagdating namin sa taas kung saan paggaganapan ng kasal, natanaw ko na agad umayos ang lahat na ng 'don. Wala naman akong suot na veil, I chose not to dahil hindi naman engrande ang kasal.

Iniwan naman na ako ng dalawa dahil mag-i-start na ang kasal. Organizer na lang ang kasama ko at may mga pinapaliwanag pa siyang iba. Nang tapos na maglakad si Celine na siyang maid of honor ko, inalalayan na ko ng organizer sa may pinto na gawa lang din sa kahoy.

Narinig ko ang pagkanta ng isa sa mga kaibigan ni Kenzo ng 'Beautiful in white' pagbukas ng pinto agad kong nasilayan ang mukha ni Kenzo sa dulo ng altar.

Scandalous RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon