Chapter 8

97 6 0
                                        

Addison

I was busy unpacking my clothes when my phone suddenly rang.

Adeline's calling

"Adeline." Tawag ko.

"Ate! Kamusta?" Tanong niya. Sinandal ko naman cellphone ko sa pader at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Okay lang. Kayo kamusta? Si papa?"

"Okay lang ate. Si papa naman kagigising lang." Nakita ko ang pagkunot ng nood niya. "Ate, nasan ka? Hindi naman yan yung apartment niyo ni ate Celine ah." Yumuko ako at napapikit.

Tanga ka sa part na 'yon Addi.

Lumingon ako sa kanya. "Ahh team building namin." Palusot ko.

Umismid siya "Hmm? Ang dami mo namang maletang dala." I rolled my eyes at her.

"Sa mga kasamahan ko yung iba, at one week kami dito kaya malalaki bitbit namin. Wag ka na nga matanong, di mo rin naman ma-gegets." Utang na loob Adeline itikom mo muna bibig mo.

"Hmm okay." Mukhang hindi pa rin siya kumbinsado sa sagot ko pero hindi na siya nagtanong. "Nabili ko na pala lahat ng kailangan ni papa. Tapos sabi pala ng Doctor magra-run na lang daw sila ng ilang test kay papa. Tapos kapag okay naman na daw baka next week makalabas na daw si papa."

Ngumiti naman ako. "Okay. Ikaw na muna bahala diyan. Si mama?"

Lumingon naman si Adel sa likod niya. "Tulog ate." Tumango ako.

"Sige na. Magpahinga ka na din."

Nagpaalam naman agad ito at tinuloy ko naman ang ginagawa ko.

Kinabukasan nagpasya akong mag-jogging dahil nagising din naman ako ng maaga, namahay pa ata ako sa penthouse ni Kenzo. Nag-suot lang ako ng black leggings, neon pink sports bra na pinatungan ko ng grey na hoodie. Nagtali na din ako ng buhok bago isuot ang nike running shoes ko.

Maliit na wallet lang dala ko at cellphone pati earphone. Around the area lang ako nag-jogging at ng maka-forty five minutes ako, huminto ako sa isang park doon at naupo sa bench.

Wala pa masyadong tao dahil 6:15 am pa lang, mangilan ngilan lang nakita kong naglalakad. Ten minutes lang ang pinahinga at nag-jog na ko pabalik sa penthouse.

Nang nasa glass door na ko ni Kenzo doon ko lang naalala di ko nakuha yung passcode ng pinto niya. Ang tanga talaga Addi.

Inis kong ginulo ang buhok ko at nilabas ang cellphone sa hoodie ko. I tried calling Kenzo pero hindi siya sumasagot.

I tried calling him again but this time sinagot niya na. "Hello?" His voice is husky and so hot.

"Good morning Kenzo!" Bati ko dito. Ang aga aga ko siya inistorbo.

"Addison? Why are you calling?" Tanong niya.

"Ahh nasa baba ako ng penthouse mo eh."

"Why? Umakyat ka na dito."

"Yun nga problema eh. Di ko alam passcode mo, di mo nasabi sakin." Ani ako.

I heard him sighed. "042620." Then he hanged up.

Aga-aga ang sungit. I punched the code and tada the door opened. Pagdating ko sa taas mukhang hindi pa din bumabangon si Kenzo, kaya umakyat muna ko sa kwarto ko and took a hot shower.

Bumaba ulit ako sa kusina at pinake-alamanan ang pantry niya. May natirang kanin naman kagabi kaya sinangag na may itlog ang niluto ko at nagprito pa ako ng bacon at ham. Nagtimpla na din ako ng black coffee dahil sabi ni Kenzo he preffered his coffee black at hot choco naman ang akin.

Scandalous RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon