Addison
Kinabukasan ay naglibot lang kami ni Kenzo sa paligid ng Malibu, sobrang ganda ng dagat. Bigla ko na-miss dagat sa Pinas, walang tatalo sa mga beaches don, pag-uwi talaga aayain ko agad si Kenzo mag-dagat tapos isasama namin sila papa para naman makalanghap ng sariwang hangin 'yon.
Hindi naman kami nakapag-swimming ni Kenzo sa dagat dahil medyo malakas ang alon, takot kaming lumangoy at baka tangayin kami palayo sa dalampasigan. Tinignan ko si Kenzo habang naglalakad lang kami sa bunhanginan pabalik sa beach house, nakaakbay pa siya at nakangiti.
"Sino yung gray eyes sa inyo? Nakita ko naman parents mo pero hindi sila gray eyes." Puno ng kuryosidad kong tanong.
"My grandfather has gray eyes, sa kanya ko namana. How about you? I love your hazel eyes, kanino mo nakuha?" Binalik ko ang tingin sa daan at ngumiti ng tipid.
"My biological father." Huminto si Kenzo at dahil nakaakbay siya sakin napahinto din ako.
"You mean?" Tumango ako.
"Nag-ofw si mama dati sa Canada. Naging caregiver siya doon...Hanggang sa makilala niya daw yung tatay ko. Ayon na inlove tapos ng mabuntis si mama, bigla na lang daw hindi nagpakita sa kanya yung tatay ko. Wala siya naging balita hanggang sa umuwi siya ng bansa at pinanganak ako. Apat na taon ako ng magkita sila ni papa--step father ko, bestfriend sila nung high school hanggang mag-college." Natutuwa talaga ako kapag kini-kwento ko yung love story nila mama at papa, kahit madaming humadlang dahil may anak na si mama pinaglaban pa din niya si mama-- na hindi nagawa ng tatay ko.
"Una tinulungan lang siya ni papa sa pag-alaga sakin, dahil sa kanya daw ako madalas iwan ni mama kapag nagta-trabaho siya bilang call center agent. Tapos bigla daw umamin sa kanya si papa," Mahina ako natawa dahil naalala ko yung itsura ni mama nung kinwento niya sakin yon, kasi halos takbuhan daw niya si papa dahil sa takot. " Hindi daw niya alam ire-react niya kasi sanay siyang bestfriend lang niya si papa, hashtag friendzone... Natakot sumugal noon si mama kasi baka maulit na naman ang nangyare. Pero di sumuko si papa pinatunyan na lang ni niya na hindi niya iiwan si mama, ayun bumigay, isang taon nagtagal relasyon nila tapos nung nabuntis si mama kay Adeline, pinakasalan daw agad siya ni papa."
Kapag talaga ang tao mahal mo, kahit anong nakaraan ang meron siya matatanggap at matatanggap mo.
"Your parents story are great, their love was not selfish but full of trust." Hinigpitan niya ang pagkaakbay niya at hinalikan ang sentido ko. "Sana sa atin din." Bulong niya, na-ikinangiti ko.
Pagbalik namin ay nag-ayos na kami ng gamit dahil mamayang hapon na ang balik namin sa Seattle. Parang ayoko pa ngang bumalik eh, sa isa't kalahating taon ko sa New York ngayon lang talaga ako nakaalis at nakapag-unwind. Lagi kasing office, bahay lang kami ni Celine minsan lang kami uminom kapag nagkayayaan lang o need maglabas ng stress.
"Balik tayo dito bago tayo umuwi ng Pinas." Sabi ko bago kinuha ang mga gamit namin sa banyo at binalot yon sa ziplock.
Umupo naman sa tabi ko si Kenzo at kinuha ang mga 'yon at siya na nagpatuloy. "You really like it here?" Tanong niya, humiga naman ako sa kama at gumulong doon.
"Oo, ang ganda kaya sobra." Binaba niya lahat ng bag sa sahig saka sumampa din sa kama. Hinatak niya pa ko palapit sa kanya.
He gently stroked my hair and smiled. "Okay. We'll visit here." Yumuko siya at inabot ang labi ko.
Taste test na namin kami, jusko.
____
Hinihingal akong bumagsak pabalik sa kama, hindi pa man ako nakakabawi at ramdam kong gumapang paakyat sa katawan ko si Kenzo. "Tired already?" Umiwas ako ng tingin ng punasan niya ang labi niya, pumatong siya sakin pero naka-suporta ang mga braso niya para hindi ako tuluyan madaganan.
BINABASA MO ANG
Scandalous Revenge
General FictionAddison De Guzman isang independent girl na umalis ng Pilipinas at nakipag sapalaran sa America para matulungan ang kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang kanyang nakatakdang pag-uwi ng bansa ay hindi natuloy dahil sa problemang ibina...