Chapter 12

138 6 1
                                        

Addison

"Hey," tawag sakin ni Kenzo, pero hindi ko siya nilingon busy ako sa pag-seperate ng damit dahil maglalaba ako.

"Yep?" Tanong ko dito. Simula ng gabing 'yon umayos naman pagsasama namin ni Kenzo, dinagdagan lang ng tamis yung pagsasama namin, pero nagiging abnormal lang talaga si Kenzo minsan. Dalawang buwan na lang at uuwi na kami ng Pinas.

"Can your clear your schedule this weekend?" Tumayo ako at nagpagpag ng kamay saka siya hinarap. Ang gwapo talaga nitong lalaking 'to. Lumapit naman siya sakin at saka ako niyakap.

Ang clingy talaga kaya natawa ako. "Bakit?" yumakap na din ako dito. Maharot na kung maharot, asawa ko na 'to.

"We're going somewhere." Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan siya.

"Saan tayo pupunta."Tanong ko ulit. Instead of answering me, he kiss my forehead then my nose, my cheek and lastly my lips.

I felt his hands at my hips while caressing it, I kiss him back and clung my arms at him, we deepened the kiss, and he slightly bit my lower lip, kinokopya ko lang bawat galaw niya. Mahina niya akong tinulak hanggang sa naramdaman ko ang washing machine sa likod ko.

Bigla niya akong binuhat at pinaupo doon, bago pa ko makapag-react ay siniil niya ulit ako ng halik. Mas madiin kaysa kanina, mas gigil. Bumaba ang halik niya papunta sa panga ko pababa sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya sa damit ako at para bang tine-trace niya ang balat ko.

"H-hindi pa ko naliligo." Sabi ko dito at bahagya siya tinulak. Tumigil naman agad siya sa paghalik at sinubsob ang mukha sa balikat ko at bahagya siya natawa.

"You ruined my moment, wife." Inirapan ko siya.

Porke't gwapo siya rurupok na ko? Gwapo siya pero hindi ako marupok, slight lang. "Akala mo di ko nakakalimutan yung rule number one ko, noh?" Tanong ko na ikinatawa niya tapos ay niyakap niya ulit ako. "Mapagsamantala ka, Veneracion ha." Sabi ko at mahina siyang hinampas sa likod.

"Can't we get rid of it?"

"Wow ha, halik lang muna, mister." Bumaba na ako at pinagpatuloy ang paghihiwalay ng de-color at puti.

"Muna? Meaning not now, but later?" Binato ko siya ng damit at nasalo naman niya 'yon.

"Saan nga tayo pupunta sa weekend?" Pag-iiba ko ng usapan, lumapit siya sakin at umupo din sa sahig at tinulungan ako sa paghihiwalay ng mga damit.

"Malibu, I have a beach house there. And I realized never pa tayong lumabas, we're both busy with our career. But I want to build a memories with you, starting here at the US hanggang sa Pilipinas." Again grabe na naman ang mga salita ni Kenzo, sasabog na naman ang puso ko.

Naka-titig lang ako sa kanya habang pino-proseso pa rin ng utak ko ang mga sinasabi niya. "Baliw na baliw ka na sa alindog ko noh?" Asar ko sa kanya.

He scoffed. "Baka ikaw, I knew you we're eyeing my butt, Addi. I saw you looking at it many times." My eyes widened because of what he said! Grabe, binato ko sa kanya ang damit, this time tumama 'yon sa mukha niya, tumatawa siya tinanggal 'yon at binato pabalik sakin.

"Ang OA mo ha, dalawang beses lang 'yon ang assuming mo!" Agad akong napatakip ng bibig, tanga Addi! Bakit di mo dineny?!

Tinuro ako ni Kenzo na parang mamamatay na sa kakatawa. "See? You admit it yourself." Sinamaan ko siya ng tingin. "My wife's watching my butt." He teased again kaya tumayo na ako at iniwan siya doon.

"Ikaw maglaba niyan!" Sigaw ko sa kanya. At ang loko tinawanan lang ako.

Pagdating sa kwarto namin, oo namin na, pinalipat niya na ako ng kwarto. Sobrang clingy ni Kenzo minsan di na nakakatuwa, choss. Hindi ko alam na may ganitong side siya kasi lagi na lang kaming nag-aaway.

Scandalous RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon