Chapter 9

97 7 0
                                    

Addison

"Masaya ka?" Tanong ko kay Kenzo na ganang ganang kumain. Kakabalik ko lang sa lamesa dahil kinausap ko na muna si Adeline para ipaliwanag ng maayos ang sitwasyon ko.

"Very." Sabi pa nito at ngiting ngiti pa din. "Your sister seems she likes me."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh tapos? Poging pogi ka na sa sarili mo?"

he shrugged. "Why not? Pogi naman talaga ako."

Hindi ko na siya pinansin at tinuloy na lang ang pagkain ko. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at umakyat na agad ako sa kwarto. Nag-shower lang ako at sinuot ang pajamas ko, habang pinapatuyo ko ang buhok ko nagbabasa lang din ako ng libro ng nakarinig ako ng katok. At iisa lang naman ang kasama ko dito. 

"Bakit?" Tanong ko, nakita ko naman ang pagbukas ng pinto. Tinignan ko siya at nakatingin din pala siya sakin, he's holding a bucket of beer. Kumunot ang noo ko. "Problema mo?"

He smiled and walked to my direction. "Want to join me?" He asked while handing me a can. Inirapan ko siya bago tanggapin 'yon. In-off ko ang blower at naglakad papunta sa veranda ng kwarto. "Anong naisip mo at nag-aaya ka uminom?"

Nagkibit balikat siya. "Nothing." Then he sighed. Umupo siya habang ako sumandal sa railing. "Ano nga?" Pamimilit ko dito.

"Deny called we're having some problems at the company. But we can manage, na-stress lang ako." Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi never naman kami nag-usap sa mga ganitong bagay. Madalas kasi talaga siya mang-bwiset kesa mag-serious talks.

"Secretary mo?" Tumango lang siya at uminom ng beer. "Dito ba talaga naka-locate yung company mo?" Binuksan ko naman yung beer ko at uminom din don, bigla kong namiss mag-club kasama sila Celine.

"No, It's in the Philippines, pero nandito ang pangalawang branch and I needed to talk to some investors." Tumango-tango lang ulit ako. 

"Eh bakit kailangan mo kong pakasalan or magpakasal?" 

"If I don't marry this year my grandfather will disown me and threatening me that he will talk to half of my inevestors to pull out their investments in my company." Pagak siyang natawa kaya napatigil ako sa pag-inom. May ganito pa palang nangyayare sa totoong buhay. "And before I go home I need someone to call my wife, and its you. Hell, he even called the day of our wedding calling the shits out of me because I didn't invite him." Tapos tumawa siya ng malakas.

"Trip mo sigurong bigyan ng heart attack yung lolo mo, noh?" Tanong ko sa kanya. "Bakit hindi mo na lang siya in-invite? Mga magulang mo nga nandoon eh."

"They are not even invited, they just found out... And invited themselves." Huminga siya ng malalim at tinungga niya yung beer hanggang sa maubos 'yon tapos nag-bukas ulit siya ng panibago. Pinapanood ko lang siyang gawin 'yon habang nilalaro ang latang hawak ko. "Ikaw? Bakit nandito ka sa States?"

This time ako naman ang tumungga, pinunasan ko pa ang labi ko dahil may kaunting tumulo. "Kailangan eh. Nag-aaral pa kapatid ko, retired na si papa... Si mama naman housewife tapos madami pang-gastusin. Mag-iipon lang naman talaga ko dito," Mapait akong ngumiti. "Kaso ayon.. nangyare ang di inaasahan." 

"Do you miss them?" 

"Sobra."

"In three months uuwi naman na tayo." Tinignan ko siya at ganon din siya sakin, he pressed his lips. "Hindi ka ba nagsisisi na nagpakasal ka?" Na-alarma naman ako sa tanong niya, umalis ako sa pagkakasandal at humarap sa syudad.

Napalunok ako ng laway bago sumagot. "Honest answer?" Tumango siya, binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti at uminom. "Medyo. Ang bilis kasi ng pangyayare, ang dami ko pang plano...tapos ngayon feeling ko na-stock ako."

Scandalous RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon