Chapter 1

241 12 1
                                        

Vote and comment are highly appreciated ❤️

——

Addison

"Ready na ba lahat ng kailangan mo? Passport? Visa? Pocket money?" Kinuha ko ang shoulder bag ko saka hinarap si mama. Nakangiti lang ako sa kanya dahil seryoso, hindi ko alam kung mas excited ba siya o mas kinakabahan sa pag-alis ko ng bansa.

" Ma, okay na lahat. Na double check ko na rin yung mga kailangan ko. Chill ka lang okay? Ako ang aalis eh." Tumawa ako saka niyakap si mama. Nako sana lang hindi ako ma-home sick, pag-alis ko sa pagkakayakap kay mama nakita ko naman si Adeline na nakasandal at nakabusangot ang pagmumukha.

"Ate, di ba talaga ako pwede sumama?" Niliitan ko ang mata ko habang nilalapitan siya.

"At sino naman maiiwan kila mama at papa? Gusto mo palit tayo ikaw mag-ibang bansa ako dito sa Pilipinas." Ani ko na lalo niyang ikinasimangot.

"Grabe ka talaga sa'kin! Malay mo humabol pa sila ng isa pa natin kapatid diba? Edi bonga!" Tintuktukan naman siya ni mama.

"Ikaw na bata ka kung ano ano lumalabas sa bibig mo! Bitbitin mo na nga lang yang maleta ng ate mo!" Sumimangot na lang ulit siya saka hinatak yung maleta ko palabas ng bahay.

Nakita ko naman si papa na pinapasok na sa taxi yung maleta ko. Nararamdaman ko na yung mga nagbabadyang mga luha na tumulo sa mga mata ko.

Ang hirap pag wala kayong pera, lahat ng opportunity na dadating kailangan sunggaban agad. Tulad ng pagpunta ko ng America although di naman talaga ako magtatagal don dahil one and a half year lang naman ang kontrata pero matagal din yun lalo na't mag-isa lang ako.

Nagkayakapan at nagpaalam na kami sa isa't isa dahil ayoko ng ihatid nila ko sa airport at baka umatras pa ko. Lahat ng habilin sinabi na namin sa isa't isa.

Habang nasa biyahe ako nagche-check na lang ako ng email para sa flight ko. Napatingin ako sa bintana at nakita ang dalawang pares ng mata na nakatitig sakin.

Both set of gray eyes na malalim ang pagkakatitig sakin. Na-intimidate naman ako kaya ako ang unang nagbawi ng tingin. Maya maya pa ay dumating na ko sa NAIA. Huminga ako ng malalim bago pumasok at naghintay pa ng ilang oras bago tawagin ang flight number ko.

Ito na talaga Addison. Aalis ka na ng Pinas.

Pagkaturo ng flight Attendant kung saan ang upuan ko nilagay ko na lang muna ang shoulder bag ko sa upuan ko saka ko binuhat yung maleta at nilagay sa compartment.

Shit ang bigat!

Naramdaman kong malalaglag yung maleta kaya impit akong napatili ng may dalawang kamay na humawak sa maleta ko. Nilingon ko ito at ganon na lang ang paglaki ng mata ko ng mapag-sino yon.

That gray eyes.

Titig na titig ako sa kanya at naalarma na lang ako ng ipinasok niya na yon sa compartment. "T-thank you." Tinapunan lang niya ko ng mabilis na tingin bago tumalikod at naglakad palayo.

Wow sosyal naka business class.

Umupo na lang din ako sa upuan ko at naglagay ng earphone. At saka hinintay mag take off ang eroplano.

Snow sa America here I come!

——

Scandalous RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon