Addison
Kung meron man tatalo sa ice castle ni Elsa, yung penthouse na ata ni Kenzo 'yon. After ng nangyare nung isang araw hindi kami nagpansinan. Ewan ko, hindi ko alam ire-react ko noon, kasi diba? bakit siya magseselos? At bakit siya nagseselos? ayy ang gulo.
Feeling ko nagulat din siya sa sinabi niya dahil hindi rin siya nakapag-react agad. At syempre hindi ko sinunod ang gusto niyang magluto ako doon, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nagagalaw ang mga kitchen ware doon, maliban sa mga karne, isda at gulay na kasama ng mga 'yon. After niyang sabihin yung salitang 'yon hindi kami nagpapansinan, minsan mauuna akong kumain o kaya'y pinapauna niya lang talaga ako.
Napa-buntong hininga na lang ako bago ko pinatay ang stove at nilagay ang sauce sa pasta, pagkatapos kong punasan ang plate dahil may tumulong sauce sa gilid non, nilagay ko na agad sa service area.
Lunch time kaya madaming customer ngayon, mahirap pa dahil naka sick leave yung isa namin waitress kaya minsan ako na din nagse-serve sa mga table. "Addi serve this at table number five." I just nod at Louie then kinuha ang dalawang plato na may pizza at pasta.
Lumabas ako ng kitchen at naglakad papunta sa table number five. "Hi good afternoon, bbq chicken pizza and Penne alla vodka." Nilapag ko sa lamesa yung order nila. "Orders complete?" Tanong ko.
"Yes, thank you."
Ngumiti ako. "Enjoy your meal." Pabalik na sana ako ng kitchen ng bumukas ang pintuan ng resto, pero napatigil ako ng magtama ang mata namin ni Kenzo, he also stop from walking and gave me a half smile, so, I did the same.
Naglakad siya papunta sa'kin, "Hey." Ngumiti siya sakin.
I gave him an awkward smile. "Uhh hi."
"Do you have a second? I'll just introduce you to my partners." Tanong niya, sinilip ko naman yung dalawang lalaking medyo may edad na.
"Ahh--," Naputol ang sasabihin ko ng tawagin ako ni Shelly, isa sa mga waiter.
"Chef's looking for you." Tumango lang ako bago binaling ang tingin kay Kenzo.
"Balik lang ako, ako na lang magse-serve ng pagkain niyo mamaya." Nanigas ako ng hawakan niya ang pisngi ko at matamis na ngumiti.
"Okay, I'll wait." Tumalikod na ko at bumalik sa kitchen, pagsara ng pinto ay sumandal ako sa katabing pader nito at kinapa ang dibdib ko.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Mahina ko itong pinalo at huminga ng malalim bago bumalik sa ginagawa ko. Nang makita ko ang order mula sa table nila Kenzo ay agad kong niluto ang mga iyon. Shrimp fettuccine alfredo, crock-pot spaghetti, at chicken alfredo pizza. Tinulungan ako ng junior sous chef na si Lyra mag-prepare ng food.
Nang matapos kong i-plating ang order nila ay agad akong lumabas at pumunta sa VIP area kasama kong naghatid si Shelly, papasok na sana kami ng maunahan kami ni Sawyer sa pagbukas ng pinto.
"Thank you." Ani ko ngumiti lang ito at umalis na din. Pumasok na sa loob at agad naman nagtama ang mata namin ni Kenzo at tulad kanina ay binigyan niya ko ng isang ngiti.
Nilapag ko naman agad ang orders nila habang sinasabi ang mga pangalan nito. "Orders complete?" Tanong ko. Nag-uusap ang dalawang may edad pero sila din naman ang sumagot sa tanong.
"Yes," Sagot nung isang kasama ni Kenzo, may kahawig siya pero hindi ko masabi kung sino basta ang pamilyar ng mukha niya.
Nawala ang atensyon ko sa matanda ng tumikhim si Kenzo. "Salvador, Phillips, I want you to meet my wife, Addison De Guzman Veneracion." Tumayo ito at hinapit ako sa bewang dahilan para mapatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Scandalous Revenge
Ficção GeralAddison De Guzman isang independent girl na umalis ng Pilipinas at nakipag sapalaran sa America para matulungan ang kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang kanyang nakatakdang pag-uwi ng bansa ay hindi natuloy dahil sa problemang ibina...