Addison
Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Babati? Bebeso? Yayakap? Ano?! At ang mokong mukhang tuwang tuwa sa sitwasyon ko.
Ngumiti ako sa magulang ni Kenzo pero feeling ko mukha akong natatae. "H-hello po."
Mahina naman tumawa ang nanay ni Kenzo. "She is so beautiful Kenzo. Bakit hindi mo agad siya pinakilala samin ng Daddy mo? Kung hindi ka pa namin bibisitahin dito sa Amerika, hindi pa namin malalaman na ikakasal ka na."
Kenzo rolled his eyes. "Because you might scared her away, mom. Knowing you, baka magbago isip ng asawa ko."
Tinaasan naman siya ng kilay ng nanay niya. "Why would I?" Taray niya sa anak at nilingon ulit ako at saka ngumiti. "Anyway, welcome to the family." Hinatak niya palapit sa kanya at niyakap.
Gumanti naman ako ng ngiti pagbitaw niya sa'kin at tinignan naman ang tatay niya. "Hello po, sir."
Parang may sinabi akong joke dahil parehas silang natawa. "Oh hija. From now on call me Mommy or mom, and call him Daddy... or dad. Kung anong mas prefer mo, wag lang ma'am or sir, asawa ka na ng anak ko." Naramdaman ko naman ang pag init ng mukha ko.
"Oh look Kenzo she's blushing!" Ani ng mama niya na para bang kinikilig.
"Welcome to the family, Addison." Sabi ng papa niya at tulad ng mama niya niyakap din ako nito.
"Thank you po, d-dad" whoo! Ang awkward, ganito ba feeling kapag nag-asawa ka na?! O dahil ngayon ko lang nakilala ang magulang niya?!
"Sorry Mom, Dad but I think I need my wife now." And with that he pulled me away from his parents.
——
Ang bilis ng mga pangyayare. Sa sobrang bilis nakita ko na lang ang sarili ko na sinasara ang huling maleta na dadalhin ko. Noong isang araw nang ikinasal kami ni Kenzo, nag-check in lang kami sa isang five star hotel sa New York dahil regalo daw ng parents niya.
As if na gagawa kami ng bata?! My god! Na-stresses ako sa mama niya dahil tinatanong kami kung kailan namin sila bibigyan ng apo?! Nasa state of culture shock pa rin nga ako dahil 360 degrees nagbago ang takbo ng buhay ko tapos ngayon? Anak?!
"Aww talagang iiwan mo na ko?" Bumalik lang ako sa tamang pag-iisip ng mag-drama si Celine sa tabi ko.
"Mamimiss kita." Pagsabay ko sa drama niya.
"Bakit naman kasi sa Seattle pa kayo?" Usisa niya.
"Doon daw siya nakatira eh. Eh wala naman akong trabaho ngayon. Sumabay pa magulang niyang parang onti na lang makikitira din kay Kenzo."
Ang cute ng mama niya dahil sobrang energetic despite na may edad na 'to. Pero nakakatakot din siya dahil puro anak ang lumalabas sa bibig niya. Napag-usapan na namin ni Kenzo na sa magkaibang kwarto kami matutulog. Kaya kung sakaling sumunod don ang mama niya, malamang mapipilitan kaming matulog sa isang kwarto.
"Ang daming baong energy nung mama niya ha? Infairness ang cute nila ng papa ni Kenzo habang sumasayaw." Naalala ko dahil sumayaw pa ng chacha ang magulang niya. Mukha namang hiyang-hiya si Kenzo sa pinaggagagawa ng magulang niya.
"Nasaan na pala yung asawa mo?" Bigla naman nag-vibrate ang phone ko kaya binitawan ko si Celine dahil nakayap sakin si gaga. "Grabe! Ang excited naman! Parang di magkikita!"
Tinawanan ko lang siya at in-open ang message .
From: Kenzo
Be there at 5.
"Wow, lakas ng radar ah. Parang kakatanong ko lang sayo ha!" Sinundo't sundo't pa niya yung tagiliran ko.
"Celine! Parang tanga!" Saway ko dito.
BINABASA MO ANG
Scandalous Revenge
Ficção GeralAddison De Guzman isang independent girl na umalis ng Pilipinas at nakipag sapalaran sa America para matulungan ang kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang kanyang nakatakdang pag-uwi ng bansa ay hindi natuloy dahil sa problemang ibina...