Diecinueve

1.3K 52 2
                                    

Ashtrid's POV


Kanina pa nagpipigil si Eros na kumitil ng buhay. Kita ko iyon sa nag aalab niyang mata at nakatiklop na kamao.


Hinawakan ko naman iyon at hinaplos nang kaunti, unti-unting bumukas at pinagtiklop niya ang mga kamay namin, agad kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko.


Nagmasid nalang kami at kumuha din ng inumin para walang makahalata. Pinaikot ko naman kaunti ng hawak na baso at hinalo ng wine na naroon..


May biglang nagsalita sa harap na dalaga na nakamaskara din. She raised her glass of wine..


"Cheers to Eros downfall!"


Gaya ng iba ay itinaas din ang baso ng alak. Kahit labag sa kalooban ay iniangat ko din ang baso at nakipagsabayan kahit nangingitngit na ako ng galit.


"Cheers!" Everyone cheered. Kita ko ang galak sa sa kanilang mata. Nanginig ang kamay ko sa higpit ng hawak ko sa baso, kung hindi ko pa napigilan ng sarili ay baka nabasag ko iyon. Damn you all.


"Ilang araw na lang, aatake na tayo! And this fucking place will be burned into ashes! Hail Roweena!" She added.


Those bloodshot eyes from Eros made my heart skipped a beat. Ganun din si Kairus, they are both looking darkly at the lady speaking in front.


Hindi nakatulong ang mga sigawan at hiyawan ng iba dahil tila mas nakadagdag sa galit ng dalawa.


May isang dalaga din na dumalo sa harap at may ibinulong. Bumaba ang dating nagsasalita at pinalitan ng bagong dating.


"May I have your attention everyone?"


Natahimik naman ang lahat at itinuon ang pansin sa harap. Madami ang napatigil at mariin ang tingin sa harapan.


"Why don't we welcome our visitors?" The lady uttered sweetly.


Nagbulungan ang karamihan at nagsimula ng umingay ang paligid.  Nagkatinginan kami nina Eros at Kairus.


"Hi there Eros, Kairus... Even Ashtrid is here."


Everyone gasped and looked around. The girl in front removed her mask and smiled.


Agad kaming nagkatinginan. Tinapunan niya ako ng ngiti at ngumiti din ako pabalik.  Good job Thea, I smirked and smiled.


"Hello motherfuckers.."  ani Kairus at tinaggal din ang mask.


Kanya-kanyang bunot ng armas. I looked around and saw Logan, Rico and Damos in their respective places.


Wala pang isang segundo ay nakabunot na kami ng baril at itinutok sa mga taong nandoon.


We fucking removed all our masks and faced the traitors who are hiding behind that foolish mask.

Life below the Ground (OPRA PISTA #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon